HIS: 16

76.8K 2.1K 316
                                    

Third Person Point of View

“Hey! Gian.” Bahagyang inalog ni Zayne ang balikat ni Gian pagkaraan ng ilang minutong wala man lang ito kahit anong reaksiyon, bakas sa mukha ng lalaki ang pag-aalala matapos sa nangyari kay Gian. Hindi niya mawari kung paano o kung ano ang dapat n'yang gawin. “Hey, please talk to me,” maya-maya’y dagdag pa nito, magmamakaawa ang tono ng boses nito nang sandaling sabihin niya iyon sa dalaga.

“Gian, please. Are you okay?” patuloy pa rin si Zayne na kinakausap ang dalaga kahit makailang ulit na niya itong ginawa ngunit kahit isa ay wala siya nakuhang sagot mula rito, wala pa rin epekto iyon sa dalaga na ngayon ay nanatiling nakatulala sa kawalan.

Sinubukan niya rin winagayway ang palad sa harap ng mukha nit Gian pero hindi man lang ito pumikit. Nanatili s’yang dilat, bakas sa lalaki na pinaghihinaan na siya ng loob.

“Gian, please?” dagdag pa nito na mukhang nauubusan na siya ng pag-asa, “Sige ka ‘di mo makikita si pencil kapag hindi ka umayos,” napapakamot sa ulong wika ng binata, mukhang naubusan na siya ng maaaring sabihin para bumalik sa katinuan ang dalaga.

Napanganga at napakurap-kurap si Zayne ng madaliang pumikit si Gian kasabay ang muling pagdilat nito. Nangunot ang noo nito habang hindi pa rin inaalis sa kawalan ang tingin, napakurap-kurap din siya pagkaraan ng ilang sandali bago nito nagawang lumingon sa paligid at busisihin ang bawat sulok nito, saka pa lang niya ipinaling sa mukha ng lalaking alalang-alala sa kaniya.

“Si pencil lang pala ang solusyon,” bumadya pa sa labi ng binata ang pagpipigil ng ngiti gano’n din ang pagkasarkastiko sa sinabi niya.
“A-Anong n-nangyar-ri?” natigil ang lalaki sa kan’yang pagpipigil na mapangiti ng magtanong si Gian na tila gulong-gulo ang ekspresyon nang mukha at umaasang makakakuha ng sagot mula sa lalaki.

“You don’t remember?” nag-aalalang tanong ng binata sa dalaga matapos n’yang hindi asahan ang itatanong sa kaniya nito.

“M-Mukha ba akong magtatanong kung naalala ko?” ngunot ang noo habang nakatitig sa mga mata ng lalaki nang sarkastikong sagutin iyon ni Gian kasunod ang pag-iling nito.

Napangiwi naman si Zayne sa inasta ng babae sa kaniya, napabuntong-hininga na lang siya at pinilit ang sariling kumalma.
“You suddenly shut down,” maikling tugon nito, “You’re awake but you’re not moving. You’re like a picture in a frame, you don’t even blink once,” pagpapaliwanag nito.

“S-Sigurado ka?” paninigurado ni Gian, tila’y hindi naniniwala sa sinabi ng binata o hindi sjya naniniwala sa kung ano ang ginawa niya.

“Yeah,” tumatango-tango namang sagot nito. “I’m trying to get your attention, I’ve done everything I can think of, still no effect on you, no response from you. It’s like you're daydreaming.”

Matapos magkwento ang binata ay nanatiling gulat ang reaksiyon ni Gian, pagkaraan ng ilang minuto ay saka palang ito nagsalita. “Gusto ko nang umuwi,” pagpapaalam niya rito.

“No,” pagtanggi naman kaagad ni Zayne na napatayo pa mula sa pagkakaupo, tanging pants lang ang suot niya at wala s’yang suot pang-itaas. “Stay here first, it’s already one o'clock in the morning,” muli niya pang tugon habang tinitignan ang oras sa suot n’yang relo.

“. . . Do you want anything? I’ll cook for you if you're hungry.” Pagkasabi no’n ni Zayne ay tila nabuhayan si Gian, biglang lumiwanag ang kan’yang mukha na halatang sabik na sabik sa pagkain.

“Waaah! Anong lulutuin mo?” habang naglalakad si Gian papuntang kusina ay hindi niya mapigilan ang sariling magtanong dahil sa excitement, nahuhuli siya dahil si Zayne ang nauuna sa paglalakad.

“Let see what’s available here,” sagot ni Zayne pagkabukas ng fridge habang si Gian ay naupo sa counter stool sa may kitchen island, parang bata na dinungdong ang mukha.

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Where stories live. Discover now