HIS: 27

78.7K 2K 742
                                    

Warning: Strong R-18

•••

Umawang ang labi niya sa sinabi kong 'yon at napakurap-kurap pa ito. "W-what did you say again?" nauutal pa n'yang pag-uusisa sa sinabi kong 'yon.

"Gusto ko makarating sa langit na 'yon," buo na talaga ang desisyon ko kaya hindi na ako nagdalawang-isip pang ulitin 'yon para malinawan siya.

"Can you handle it now? You blackout the last time we did that." Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Napaisip naman ako sa sinabi n'yang 'yon. Gano'n ba kahirap ang gagawin namin para humantong na naman ako sa gano'n? Pero . . .

"Kaya nga gusto kong gawin 'yon para malaman ko kung kaya ko na ba, kung gumagaling na ako, kung kaya ko nang harapin ang takot ko, kung kaya ko nang isawalang-bahala ang nangyari sa akin no'n, at kung hindi na bigla-biglang mawawala ang memorya ko," paliwanag ko sa kaniya.

"Sigurado ka?" puno pa rin ng pag-aalalang tanong niya.

"Wala namang masama kung susubukan. Kailangan ko 'to at ginagawa ko ito para sa sarili ko. Gusto ko ng mawala ang takot sa tuwing naiisip ko 'yon," muli ko pang rason.

"Alright, then," tumatango-tangong pagsang-ayon nito sa akin. "I'm happy because you now have the courage to face your fears," nakangiting sagot pa niya.

"A-Anong gagawin mo?" napatanong ako kay Zayne ng lumapit siya sa akin at na corner niya ako sa pinto.

"Dadalhin kita sa sinasabi kong kakaibang langit," wika nito na dahan-dahang nilapit ang sarili sa akin.

"T-Tama ba itong g-ginagawa mo? Paano tayo makakarating do'n kung haharangan mo lang ako rito sa pinto?" takhang tanong ko. "Hindi ba tayo lalabas para makapunta do'n? Okay lang kahit ganito lang ang mga suot natin?" tinignan ko ang sarili kong katawan dahil naka-bikini lang ako samantalang siya ay naka-swin trunk lang.

"Wala tayong dadalhin? Walang pamasahe? Hindi tayo sasakay?" padagdag nang padagdag ang tanong ko sa kaniya pero mukhang balewala lang sa kaniya ang mga tanong ko lalo pa nang iharang na niya sa magkabilang gilid ko ang kamay niya. Pinagkatitigan niya ako sa mga mata ko kasabay no'n ang pag-angat ng daliri niya papunta sa mukha ko para ilagay sa likod ng tainga ko ang mga buhok na nakawala at nakaharang sa mukha ko.

"Wala tayong gagamitin na kung ano man. Wala tayong sasakyan kahit bisikleta man yan dahil sa gagawin nating ito ako mismo ang sasakyan mo, Gian."

Napakapit ako sa handle ng pinto ng paglakbayin niya ang daliri niya mula sa tainga ko pababa sa gilid ng pisngi hanggang sa marating nito ang panga ko. Nakikiliti kasi ako matapos n'yang gawin 'yon.

Mula sa panga ay tumungo ang daliri niya paakyat sa labi ko, dinampi niya pa ang daliri niya sa pang-ibabang labi ko kaya bahagyang umawang ang bibig ko. Titig na titig ako sa kaniya habang ginagawa niya 'yon na nasilayan ko pa ang pag-dila niya sa labi niya hanggang sa namamasa-masa ito.

Matapos 'yon napapikit na lang ako ng mismong labi na niya ang nilapat sa akin. "I was totally hooked and addicted to the feeling of your lips on mine," puno ng pananabik na wika niya pagkatapos n'yang tumigil sa paghalik sa akin pansamantala. "You have soft lip and that's amazing," dagdag pa nito, pagkatapos no'n ay muli akong ginawaran nang banayad na halik. Simpleng halik lang 'yon pero parang mismong ako ay nahibang na rin at nagugustuhan ko na ang pakiramdam nito.

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora