HIS: 20

67.7K 2K 669
                                    

Warning: This part is not suitable for young readers and sensitive minds. It contains strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity that maybe offensive or disturbing to some readers. You have been warned.

•••


“Hoooy!” sita kong muli sa kaniya. “Lumabas ka nga, hindi tayo puwedeng magsabay. At saka ano ba? Nakakahiya baka kung ano pa isipin ng makakakita sa atin!” pagpapaliwanag ko sa kaniya para matauhan siya pero imbes maisip niyang tama ang sinasabi ko ay dinaan niya lang ito sa tawa.

“What’s wrong if we dressed up together?” tanong niya pabalik sa akin na mahihimigan sa kaniyang mukha ang pagkasarkastiko nito. “One more thing, I don’t care what others think of us. Wala naman tayong gagawin na milagro, ‘di ba?” napakunot ang noo ko sa sinabi niyang ‘yon.

“Anong milagro?” napanganga naman siya pagkatanong ko no'n.

“I see. You’re too blessed to be innocent, Gian,” sagot pa nito habang napapakamot sa ulo. Sinawalang-bahala ko na lang ang sinabi niyang milagro kung anong milagro man ‘yon.

“Waaah! Pumikit ka tapos tumalikod ka na din. Ako na muna magpapalit,” utos ko sa kaniya, napamaang naman siya sa sinabi ko pero hindi siya nagpadala at nanatiling nakaharap sa akin. “Ako sabi mauuna, eh!” reklamo ko sa kaniya ng hindi pa rin talaga siya tumatalikod at imbes na ako ang mauuna ay siya na ang naghuhubad sa suot niyang blazer.

Bakas na bakas ang pagngiti sa labi niya, nang-aasar ang dating no’n. Pagkaalis niya sa suot na blazer na tanging isa lang ang butones no’n ay ipinatong niya iyon sa sink. Sunod naman niyang isa-isang tinatanggalan ng butones ang suot niyang white short sleeve na button down dock shirt. Sadya ng nakabukas ang tatlong butones sa may bandang dibdib niya kaya nasa pang-apat na siya nagsimula.

Nakatitig lang ako sa katawan niya habang inaalis niya 'yon na parang wala lang sa kaniya kung nakatingin ako.

“Is my body too attractive to impress you? Natulala ka na d’yan, baka matunaw ako,” napalunok ako matapos n'yang sabihin 'yon kasabay ang pag-iwas ko ng tingin.

“Mayabang ka rin pala, ‘no?” kontra ko sa sinabi niya. Ano naman ang attractive sa katawan niya maliban sa anim niyang abs.

“When did telling the truth become bragging, huh?” depensa naman niya kaya muli akong napalingon sa kaniya pero imbes sa mukha niya ako tumingin ay sa katawan niya pa rin ako dinala ng mga mata ko.

Tuluyan na niyang naalis ang suot niyang short sleeve shirt, katulad sa blazer ay do'n niya rin 'yon pinatong sa sink.

“P-Pencil,” banggit ko sa alaga niya ng dumapo ang tingin ko sa suot n'yang pambaba ng simulan niyang alisin ang suit na sinturon. May naka-umbok kasi sa harap no'n kaya natitiyak kong si pencil.

Hinintay ko talagang tuluyan niyang maalis ang sinturon at hindi ako nagpatinag na nakatitig do’n. Binuksan na niya ang isang butones ng pants niya kasunod ang dahan-dahan pagbukas niya sa zipper nito.

“It seems you enjoy watching me as I take off my clothes, Gian?” at saka ko lang naiangat ang tingin sa kaniya ng bigla niya iyong nang-aakit na winika. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig matapos ‘yon, sa palagay ko rin ay pulang-pula na ang mukha ko dahil sa kahihiyan. “Ngayon sino nagmu-mukhang naninilip sa atin, huh?” katwiran pa nito na lalong nang-inis na tumawa.

“A-Anong . . . Waaah! Ang feeling mo!” pagkasabi ko no’n ay dinaanan ko na siya at mabilis akong lumabas mula sa restroom na ‘yon, hindi ko na tiningnan kung sumunod siya sa akin o nanatili siya ro’n sa loob.

Kahit nasa labas na ako ay ramdam na ramdam ko pa rin ang hiya, idagdag pa ang ilang babae na pumipili ng swimsuit sa pinamilian namin kanina na kung saan ay bahagyang natatawa kaya naman naglakad akong nakatakip sa mukha.

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Where stories live. Discover now