HIS: 14

71.6K 2.4K 418
                                    

Warning: This part is not suitable for young readers and sensitive minds. It contains strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity that maybe offensive or disturbing to some readers. You have been warned.

•••

“Sir, hindi ko to alam!” problemado ako ng makita ang gagawin, nasa sala kami ngayon ng bahay niya’t pinakita niya sa akin ang gagawin ko, CEO weekly report ‘yon na kailangan ng board of directors, kung ‘di ako nagkakamali sabi niya ay two days na lang ‘yon simula ngayon pero bakit wala pa s’yang nauumpisan.

“Nagreklamo ba ako no’ng ginawa ko ‘yong obligasyon mo?” usal niya sa akin pabalik, walang-gana n’yang sabi ‘yon na nakasandal ang likod sa sandalan ng sofa, nakapang-dikwatro s’yang upo habang nasa dibdib niya naka-krus ang dalawang kamay niya.

“Eh, sino ba kasi nagsabi sa ‘yong gawin mo ‘yon?” mataray kong pagtatanong sa kaniya, naghahamong humarap ako sa kaniya, nilapit ko pa ang mukha ko’t nasa bewang pa ang dalawang kamay ko.

“Eh, sino ba nagsabi sa ’yong matulog ka sa trabaho?” may pang-aasar n’yang sagot pabalik habang nakakalokong ngumiti. Umayos din siya ng upo at nilapit din sa akin ang mukha, nakakunot pa ang noo niya pero mas lumabas ang pilyo n’yang ngiti.

“Gusto kong makita si Pencil!” pag-iiba ko sa usapan medyo umatras din ako dahil masyado ng magkalapit ang mga mukha namin. Oo na, talo na ako. Hindi naman talaga ako marunong makipagtalo tsaka hindi ko naman ata matatalo ang isang ‘to. Gusto kitang tirisin. Yawa ka!

“Sigurado ka ba?” maangas n’yang tanong sa akin, nilalayo ko ang mukha ko pero lapit naman siya nang lapit.

“Oo! Bilis na kasi!” nauutal ko pang wika. Nakakailang kasi ang mukha niya kapag malapitan, pero mas lalo pala s’yang guma-g’wapo kapag sobrang lapit naman.

“Baka magbago isip mo?” naiilang na talaga ako sa sobrang lapit niya, umatras na rin ako sa pagkakaupo pero sumusunod pa rin siya.

“H-Hindi! Sige na kasi, gusto ko ng makita si p-pencil!” may pagmamakaawa kong pamimilit sa kaniya kasabay ang paglunok ko ng ilang beses, nakakatukso kasi ang tingin niya lalo pa ng kagatin niya ang pang-ibabang labi niya habang mas lalong nilalapit ang sarili sa akin.

“Sa isang kundisyon!” napalunok ako dahil matapos n’yang sabihin ‘yon ay napa-atras ako pero sa pagkakataong ‘to wala na akong aatrasan, na-corner na niya ako sa gilid.

“Uhmm . . . K-Kahit ano! B-basta, ipakita mo lang si p-pencil!” lakas-loob kong tugon habang tumatango pa. Nakapipigil hininga ang posisyon namin ngayon na bigla akong kinilabutan, sobrang bilis na rin ang tibok ng puso ko.

Ba’t ba kasi sobrang lapit niya pero hindi ko naman magawang magreklamo?

“You should undress me.” Sinabi niya iyon na mula sa mata ay bumaba ang titig niya sa labi ko. “It’s your responsibility to take it off for me if you’re willing to see pencil hiding inside my clothes,” binasa niya ang labi niya gamit ang dila bago muling binalik sa mata ko ang sulyap, muli kong naatras ang ulo ko matapos niyang iharang sa magkabilang gilid ko ang kamay niya na mas lalong magpalapit sa aming katawan.

Naamoy ko na rin ang hininga niya sa bawat sandaling magsasalita siya, hindi ko maiwasang amuyin iyon dahil hindi ko maikakailang mabango ‘yon sa tuwing malalanghap ang mint na amoy do’n.

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Where stories live. Discover now