HIS: 09

76.2K 2.3K 616
                                    


Warning: This part are not suitable for young readers and sensitive minds. It contains strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity that maybe offensive or disturbing to some readers. You have been warned.

Pero dahil hindi ka na inosenteng bata ka't matigas ang ulo mo, babasahin mo pa rin. Basta bawal, nagwarning na ako. Sa inyo na 'yan kung susundin niyo o hindi.

•••

"Anong ibig mong sabihin?" nakakunot-noong pagtatanong ko sa kaniya.

"Stop asking, I'm just doing this for you!" napapansin ko na parang sumungit na naman siya.

"Para sa akin o para sa 'yo?" 'di ko alam kung saan ko nakuha ang tanong na iyon o bakit ko 'yon natanong sa kaniya, napapansin ko kasing nag-iiba na ang mga ikinikilos niya. Sadyang concern lang ba talaga siya o may iba pa s'yang rason?

"What kind of question is that?" nakataas ang isa n'yang kilay habang laglag ang kan'yang panga na nagtanong sa akin.

"Napapansin ko lately parang masyado ka kasing nagiging protective!" pag-amin ko sa kaniya, 'yon naman talaga ang napapansin ko sa mga ikinikilos niya.

"Of course because you're my secretary, I must not forsake you!" katwiran naman nito. "Unless . . ."

"Unless, what?" mabilis na tanong ko 'yon sa kaniya ng tumigil siya sa pagsasalita.

"Binibigyan mo ng ibang kahulugan ang mga ginagawa ko," natigil ako sa sinabi n'yang iyon.

"Mali bang mag-isip ako ng gano'n? Nakikita ko kasi sa mga kilos mo na may iba ka pang dahilan!" ako iyong tao na lahat ng naiisip ko ay gusto kong sabihin. Likas na sa akin ang pagiging totoo at bukas sa lahat ng bagay, kapag may napansin akong iba katulad nito hindi ko na pinapalampas hangga't may pagkakataon ay aalamin ko ang totoo ayoko kasing ako ang mahihirapan sa bandang huli kakaisip.

"You better stop thinking too much and giving wrong assumptions about it!" hindi ko maiwasang mainis, hindi ko kasi magawang maniwala sa mga sinasabi niya, may kutob akong kakaiba na hindi ko maipaliwanag.

"Hindi ako naniniwal-"

"You're just my . . . secretary," hindi ko nagawang tapusin ang dapat kong sabihin matapos niya akong unahan magsalita, nang sandaling sabihin niya 'yon ay bigla akong natahimik, nanatili pang nakaawang ang bibig ko pero wala akong masabi, wala akong kakayahang kwestyunin ang sinabi n'yang iyon, hindi ko p'wedeng itanggi dahil 'yon naman talaga ang totoo, 'di hamak naman na isa lang talaga akong sekretarya niya pero bakit matapos n'yang sabihin 'yon ay tila sinampal ako sa katotohan? Oo, sekretarya niya lang naman talaga ako pero bakit ako biglang nakaramdam ng kalungkutan? Bakit bigla akong nasaktan sa sinabi n'yang 'yon? Bakit tila tinusok ng karayom ang dibdib ko't parang pinipiga ang puso ko?

Sa sandaling ito na hindi ko na mapigilan ng sarili kong maluha, tama pa ba ang ina-akto ko? Tama ba ang nararamdaman ko? Tama bang ganito ang ikilos ko? Ano bang mali sa sinabi niya't nagkakaganito ako? Ano bang mayro'n sa sinabi n'yang hindi ako sang-ayon? Ngunit sa palagay ko'y wala, walang mali sa sinabi niya pero bakit tila hindi 'yon matanggap ng sistema ko.

Sa pagkakataong 'to, nasisigurado kong ako ang mali, ako ang nag-iisip ng kung ano-anong wala namang katuturan, ako lang ang kumu-lkutob kahit hindi naman dapat.

Nang tignan ko siya sa mata niya'y nahalata kong kahit siya ay mukhang nabigla din sa sinabi niya, nahalata ko do'n ang pagbabago ng reaksiyon niya. Pero huli na, nasabi na niya ang totoo kaya wala na s'yang magagawa para bawiin ito.

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Where stories live. Discover now