HIS: 19

66.6K 1.9K 188
                                    


“H-huh? Ulitin mo nga,” wika ko sa kaniya, nagbabaka-sakali lang ako na mali ang pagkarinig ko.

“I was just the result of a mistake. Consequences of their short-term happiness . . . because of temptation that’s why I'm here right now,” dagdag na pag-uulit niyang mas lalo nito pinaliwanag. “They are not committed to each other in any way, romantic s*x is not their thing that time. Pero dahil sa kalasingan hindi na nila naisip ‘yon kaya ako ang naging resulta,” ngayon ay sigurado na ako sa sinabi niya, hindi nga ako nagkamali ng pandinig.

Bahagya pang nakaawang ang bibig ko habang nirerehistro ang sinabi niya.
Hindi ko inaasahan na sa kaniya pa nagmula ang mga bagay na ‘yon. Hindi halata sa kan’yang gano’n ang pinagdaanan niya sa nakalipas. Lahat naman siguro ay gano’n ang iisipin lalo pa’t hindi pa nila alam ang pinagdaanan ni Zayne, kahit naman ako. Hindi talaga natin madedepende sa kung ano lang ang nakikita natin sa mga bagay-bagay. Hangga’t hindi natin napapasok ang buhay ng iba at hindi natin alam ang kanilang pinagdaanan, hindi natin maiintindihan ang mga kuwento ng bawat isa.

“Nasaan ang nanay mo?” pagtatanong ko rito. Sumisimsim muna siya ng alak habang nakatitig pa rin sa akin.

“I don’t have any idea where she is. The only thing I know, pagkapanganak sa akin iniwan na ako ni mom kay dad. Wala na akong balita sa kaniya ni hindi ko nga kabisado ang pangalan niya itsura pa kaya. It’s a puzzle for me, until now I don’t know who’s my mom. Sometimes, I felt jealous pa of Brecken,” napatitig ako sa kaniya matapos sabihin niya ang mga ‘yon.

Nakaramdam din ako ng awa matapos kung nalaman ang mga iyon mula sa kaniya. Ang bigat no’n sa loob, kahit hindi ko naranasan simula pagkasilang ang mawalan ng ina alam ko pa rin kung gaano iyon kasakit dahil naiwan din naman ako ng nanay. Bahagya pang nakanganga ang bibig ko ng sandaling ‘yon matapos n’yang sahihin na nagseselos siya sa kapatid niya.

“Bakit mo naman pagseselosan ang kapatid mo?” nang rumihistro na sa utak ko ang sinabi niya ay tinanong ko siya.

“He felt the love of a mother who had been deprived from me, Gian,” naguluhan ako sa sinabi niyang ‘yon.

“Ha? Akala ko ba hindi niyo pa nakikita ang nanay niyo? Bakit ka magseselos sa kaniya? H’wag mo sabihing nakita niya pero ikaw hindi?” sa totoo lang litong-lito na ako sa kaniya.

“I envied him for giving him the opportunity to see and be with his mother. I was jealous because he experienced the care from his mother. I was jealous because he was not deprived of the love from his mother. I'm jealous because he knows the feeling of someone who cares, someone to approach when you have a problem, someone to help you during a very difficult time, someone to hold on to when the world rejects you.”

Hindi ko napansin kanina ang hawak n’yang bote ng alak akala ko ay tanging baso lang ang nasa kamay niya, ngayon ko lang ito napansin ng mismong sa bote na siya umiinom.

“H-Hindi ko pa rin maintindihan. Nanay niya? Bakit nanay niya lang? Hindi mo—” natigil ako sa pagsasalita ng bigla kong mahulaan kung ano ang tinutukoy niya. Napalunok ako kasabay ang pagbilis ng tibok nang puso ko at malalim ko s’yang pinagkatitigan. “M-Magkaiba kayo ng n-nanay?” nauutal ko pang tanong rito, malakas ang pakiramdam kong tama ang kutob ko.

Mapait s’yang ngumiti sa akin, nakatitig siya sa akin ng sandaling muli s'yang tumungga. “Exactly,” iyon lang ang sinabi niya pagkatapos niyang uminom no’n ay pinunasan na niya ang sariling labi gamit ang palad niya. “Tatlo kaming magkakapatid. Ako, si Brecken, at Sollaire, magkakaiba ang nanay naming tatlo. Simula pagkapanganak ako ay hindi ko pa nakikita ang mom ko. While, Brecken. Doseng taon n'yang nakasama ang tunay n’yang nanay, magkakasama pa kami sa iisang bahay including si dad,” hindi ako kumibo hinayaan ko s’yang magkuwento. Hindi ko sinabing i-kuwento niya lahat pero gano’n ata ang mangyayari.

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Where stories live. Discover now