HIS: 36

44.9K 1.3K 412
                                    

Nakatulala ako habang pinapasok sa sistema ko ang mga sinabi ng babaeng ‘yon. Ano na naman ito? Totoo kaya ang sinasabi niya? Bakit naman gagawin iyon sa akin ni Aiden? Wala na ba itong katapusan?

Napapagod na ako! Nahihirapan na ako. Isang pagkakamali lang naman ang nagawa ko pero grabe-grabeng parusa ang binibigay sa akin.

May alam ba siya sa mga nangyari sa akin? Kasama ba siya nila Brecken sa mga plano nito?

Mabilis kong pinulot ang nahulog kong phone ng marinig ko ang paggalaw ng doorknob “Cali,” para akong bata na tinawag si Cali matapos nitong pumasok sa kuwarto, ang mukha ko ay parang humihingi ng saklolo.

“It’s okay, Gian,” lumapit ito sa akin at agad akong niyakap. “Malalagpasan mo ito. Kakayanin mo ito. H’wag kang mag-alala, ‘di kita pababayaan. ‘Di kita hahayaang harapin ito ng mag-isa.”

“Hindi ko naman ginusto ang nangyari,” pag-k-kuwento kong kumawala mula sa pagkakayakap sa kaniya. “Maniwala ka, Cali. ‘Yong macarons ang may kasalanan nito.”

“Macarons? Anong kinalaman ng macarons?” takhang tanong niya.

Hinila niya ako paupo sa kama “May nakilala ako sa Cebu noon no’ng pumunta kami ni Zayne, tapos aksidente kaming nagkita kahapon sa hotel na dapat pagkikitaan namin ni Zayne, binigay niya sa akin ang macarons na ‘yon. Pagkatapos kong maubos ‘yon, biglang may nanibago sa katawan ko,” huminto muna ako sa pag-k-kuwento para alalahanin ang bawat nangyari. Tahimik naman s’yang nakikinig sa akin.
“Nakaramdam ako ng kakaibang init sa katawan ko, Cali. Pati ang pamamasa ng pagkababae ko na hindi ko mapigilan. May kakaiba ro’n, sigurado ako. Hindi ko nga lang alam kung ano iyon pero dahil do’n ay ‘di ko napigilan ang sarili ko. Kaya ko lang ‘yon nagawa, parang tawag ng laman? Pero hindi ko talaga ginusto, Cali. Maniwala ka sa akin.”

Pilit naman s’yang ngumiti na tumango-tango pa. “Syempre naman ‘no, naniniwala ako sa ’yo. Kilalang-kilala kita, Gian. Alam kong hindi mo gagawin ang gano’ng bagay ng walang dahilan. Tandaan mo lang na kahit hindi na maniwala ang lahat sa ’yo, kahit lahat sila ay husgahan ang pagkatao mo. Nandito ako, paniniwalaan kita. At kung makagawa ka man ng kamalian, palagi mong tandaan na hindi kita huhusgahan kung ‘di gagabayan pa kita para itama iyon.” Mahinahon n’yang saad na kinuha ang magkabila kong mga palad at mahigpit itong hinawakan. “We all make mistakes, Gian. Don’t let that be the reason for you to give up on. Mistakes are meant for learning not for repeating, okay? You can’t change what’s done, you can’t go back in time. All you can do is to learn from your mistakes and be a better person,” humanga ako sa mga sinabi ni Cali, humanga ako mismo sa kaniya.

Ramdam na ramdam ko sa bawat sinabi n’yang ‘yon ang sinseridad niya. Aaminin ko na madalas puro kalokohan ang pinapakita ni Cali pero sa mga ganitong sitwasyon ay lumalabas ang pagiging soft niya, pagiging kalmado, pagiging mabuti at tunay na kaibigan, siya ‘yong kaibigan na kasama mo sa masasaya at malulungkot na araw, maging sa mga araw na pakiramdam mo ay pinagkaisahan ka na ng mundo, siya ang nand’yan para sa ’yo.

Hindi madali para sa ‘kin ang ganitong sitwasyon, kahit minsan ay ‘di ‘ko naisip na darating ito sa buhay ko. Inaamin ko rin na hirap na hirap na akong harapin ito, hindi ko alam kung paano ko masosolusyunan ang mga ito pero dahil kay Cali nagkaroon ako ng lakas nang loob, kahit papaano’y nabawasan ang sakit na nararamdaman ko at gumaan ng bahagya ang kalooban ko dahil sa kaniya at sa mga sinabi n’yang ‘yon.

Muli kong niyakap si Cali sa pagkakataong ito, ‘yon lang ang kaya kong gawin ngayon para sa kaniya, para magpasalamat sa kaniya. “May kailangan ka pang malaman, Cali,” saad ko sa kaniya na yakap-yakap ko pa rin siya.

“Sure. Makikinig ako,” pagtitiyak naman nito.

“Kumawala na muli ako sa pagkakayakap sa kaniya. “Si Aiden ang may planong manggahasa sa akin,” nang masabi ko ‘yon ay titig na titig ako sa kaniya para makita ang magiging reaksyon niya. Nanlaki ang mata niya kasabay ang pag-awang ng bibig niya.

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Where stories live. Discover now