HIS: 18

66.9K 2.1K 519
                                    

"I will talk to you Zarouge in some other day, go back to your condo first." Ma-awtoridad na utos dito ni Zayne, tumango naman ang kapatid niya. Hinila naman ako ni Zayne kaya nauna na kaming lumabas.

"Saan ba tayo pupunta?" takhang tanong ko sa kaniya, hindi pa rin niya ako binibitawan, ang bilis niya rin maglakad kaya nahihila niya ako. Hindi niya man lang ako sinagot, tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makapasok kami ng elevator. Hindi pa rin siya nagsasalita hanggang do'n, nanatili kaming tahimik at walang kumikibo. Bukod kay elevator girl na ang sama na naman ang tingin sa akin. Tss. lagi naman, eh.

"Saan ba talaga tayo pupunta? Hila ka nang hila d'yan, eh," reklamo ko sa kaniya pagkalabas namin ng elevator at nagsimula na naman kami sa paglalakad, dahil na rin sa boses ko ay hindi maiwasang marinig 'yon ng mga nasa paligid.

"Can you please stop asking too many questions?" tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. "Can you just accompany me wherever I go now? Kailangan ko lang ng isang taong handang makinig sa akin. Maaari ko bang hilingin iyon sa 'yo?" ramdam na ramdam ko ang bigat sa mga salitang iyon, sa tono ng pananalita niya ay parang namamalimos siya ng oras at atensiyon. Para rin s'yang bata na nagmamakaawa sa magulang para bilhan ng laruan na natipuan niya.

"O-Oo, sige," pagsang-ayon ko sa kaniya, "payag ako." Ningitian ko siya ng sabihin ko iyon, tumango naman siya sa akin at muli na akong hinila pero sa pagkakataong ito ay bahagya ng maluwag ang pagkakahawak niya sa akin.

Pinasakay na niya ako shotgun seat at pagkakuwa'y tumungo na siya sa kabila. "Is it okay with you if we stay there for two days?" tanong niya sa 'kin pagkapasok niya at pagkasarado ng pinto.

"Waaah! Seryoso? Ba't naman dalawang araw?" tanong ko sa kaniya. Tumango lang siya at bahagyang ngumiti. "Paano 'yong trabaho? Absent ako gano'n? Waaah. Okay lang basta walang kaltas sahod ko!" reklamo ko sa kaniya, kung makakaltasan lang naman sweldo ko ay h'wag na lang, sayang ang araw.

"That's all?" tugon naman nitong nagtatanong, masaya naman akong magkakasunod na tumango sa kaniya. "Okay. No deduction. I'll triple it also," parang wala lang sa kaniya ng sinabi iyon na akala mo magbibigay lang ng isang pirasong candy.

"Waaah!" natutuwang sigaw ko. Hanep naman pala maging boss 'to, 'di ko kailangan pumasok para lang samahan siya, triple pa sahod ko. "Okay! Magpapaalam na ako sa mga kaibigan ko," nasasabik kong kinuha ang phone sa bag ko para mag-chat sa gc.

NOT-SO-SALTY-FRIENDSHIP, binuksan ko kaagad ang group chat naming magkakaibigan.

Me:
Hindi ako uuwi ngayon.
May lakad kami ni Sir.

Pagkapindot ko sa send button, isang saglit lang ay isa-isa na silang nag-seen.

Made:
Ingat. Ako muna hihiga sa kama mo, ah. Hiramin ko na rin si Doggy hehe.

Napailing-iling na lang ako, ang hilig niya talagang hiramin ang stuffed animal kong aso, Chico pangalan no'n pero doggy tawag niya, pinagtatawanan pa nga siya ni Cali sa pinangalan niya.

Cali:
Kunware nanuniwsla aking lslad lang. Tss. Tss. Bssta Giuan, iyong tinuri koo sa 'yo, awh? Kyung msy chancwe gswin mop na, rawwr.

Correction: Kunware naniniwala akong lakad lang. Tss. Tss. Basta Gian, iyong tinuro ko sa 'yo, ah? Kung may chance gawin mo na, rawr.

Hindi ko masyadong maintindihan reply ni Cali. Ilang saglit ang lumipas bago ko naintindihan. Alin namang hindi kapani-paniwala sa sinabi ko? Totoo naman talaga na may lakad kami, eh. Saka alin bang tinuro ang tinutukoy niya?

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Where stories live. Discover now