HIS: 30

75.1K 1.8K 315
                                    

Warning : S-sasagarin. P-patitirikin. G-gagapangin.

•••

"Oh? Going out with acquaintance of mine," sagot naman ni Tammy na may kinakalikot sa kaniyang cellphone.

"His or her?" sa pagkakataong ito si Ele naman ang umusisa.

"H-Him," nauutal pa n'yang tugon.

Hindi na ako naki-usisa pa na binalewala ko na lang iyon, pagkatapos do'n ay umakyat na ako papunta sa kuwarto. Mabilis kong hinilata ang sarili ko sa kama, nanatili akong nakahiga habang nakatitig sa kisame sa loob ng ilang minuto, nang makaramdam ako ng pagkabagot ay naisipan ko na lang na maligo na siya nga namang ginawa ko.

Pagkalabas ko ng banyo, narinig ko ang pag-vibrate ng phone ko kaya ito ang una kong kinuha. Pagkabukas ko nito ay tumambad sa akin ang isang message notification, naka-hidden kasi ang content no'n kaya kailangan pang i-unlocked ang phone para mabasa. Pagka-unlocked ko binuksan ko naman ang message.

Unknown Number:
Hi, baby. How are you doing?

Walang name kung kaninong message 'yon galing pero alam ko na kaagad kung kanino 'yon.

Ba't nasa kaniya number ko? Paano niya nakuha? Eh, samantalang 'di ko naman binigay sa kaniya.

Me:
Ayos lang naman ako. Ikaw ba?

Hindi ko na tinanong kung saan o kanino at paano niya nakuha phone number ko, ni-reply-an ko na lang ito. Nag-reply naman siya kaagad kaya 'di pa ako makapagbihis.

Unknown Number:
I'm just sorting out all the documents that I need for tomorrow.

Pagkabukas ko ng unang message ay may kasunod pang isa.

Unknown Number:
I miss you.

Awtomatiko akong napangiti matapos ko 'yong mabasa, r-reply-an ko sana 'yon kaso nakaramdam ako ng hiya kaya hinayaan ko na lang at mas inatupag ko na lang na magbihis.

Pagkatapos ko ro'n ay bumaba na ako para kumain, matapos namang kumain ay nagsipilyo na ako saka natulog.

Mas maaga akong nagising sa normal na gising ko kaya naman mas maaga akong nakapasok sa kompanya.

"Ang aga mo po yata ngayon, Ma'am?" saad ni kuyang guard pagkakita sa akin.

"Parang gulat na gulat ka kuya, eh hindi naman ito ang unang beses na pumasok akong maaga," katwiran ko.

"Pero mas maaga ho kayo ngayon," natatawang ani nito, nginitian ko na lang sjya at tuloy-tuloy na akong naglakad papunta sa opisina.

"Good morning, Sir Zayn-"

"Love, baby or Zayne," hindi ko pa natatapos ang pagbati ko sa kaniya ng unahan niya ako sa pagsasalita, hindi man lang siya bumaling sa akin na abala sa pagtitipa sa keyboard ng laptop.

"Good morning, Zayne!" pag-uulit ko sa pagbati sa kaniya na nawawalan ako ng gana.

"You're early today, huh?" maging siya ay napansin pa ang pagpasok ko ng maaga.

"Tss. Parang bago naman ito sainyo. Ngayon lang ba ako naging maaga?" pangangatwiran ko.

"Honestly, yes!" sagot niya na walang pag-aalangan.

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Where stories live. Discover now