HIS: 29

67.2K 1.7K 421
                                    

WARNING: SPaGhetti

•••

Nag-smirk lang ako sa kaniya habang patuloy pa rin ako sa ginagawa ko. Laglag pa rin ang panga niya na ilang beses pa rin napapalunok. Sa loob-loob ko ay tawang-tawa na ako. Ano kaya ang pakiramdam kapag nagagalit si pencil?

"Shit!" daing niya na hindi na malaman ang gagawin lalo pa ng buksan ko ang zipper ng pants niya. Mabilis n'yang inalis ang kamay ko at pasimpleng sinarado ang zipper ng pants niya.

Tumayo si Zayne at kinuha nito ang atensyon ng lalaki na nasa harap "Excuse me," paalam ni Zayne, tumango lang si Zayne sa akin at bigla na lang umalis.

Napalingon naman ako sa kan'ya kung saan siya pupunta hanggang sa lumapit sa sa isang staff, mabilis lang naman malaman kung staff sila ng hotel dahil sa uniporme nilang iisa lang ang kulay at disenyo.

Kinausap ito ni Zayne, mukhang nagpaliwanag pa ang lalaki dahil may itinuro pa siya sa kabilang side. Lumingon naman si Zayne sa itinuro nito at ng ibalik nito ang tingin sa staff ay tumango-tango lang siya.

Muli na s'yang naglakad pabalik dito kaya pinagmamasdan ko siya at hinintay na makarating. Iminuwistra naman niya ang kamay sa akin na napatanga ako sa kaniya, nagtataka ako kung para saan iyon. Aalis na ba kami? Saan naman kaya pupunta? Sa isiping iyon ay wala sa sarili kong ipinatong ang palad ko sa palad niya. "Saan tayo pupunta?" tanong ko pagkatayo ko.

"Pakakalmahin lang natin si pencil," sagot naman niya na nagsimula ng maglakad na hawak-hawak ang kamay ko kaya wala akong nagawa kung 'di sumunod sa kaniya.

"Paano?"

"Gagalitin mo lalo para kumalma," sagot pa rin niya na patuloy lang sa paglalakad. Ano raw? Gagalitin tapos para kumalma? kahit bobo ako pero sa pagkakaalam ko walang ginagalit para kumalma. Baka lalo pang magalit?

"Celebration is one of the most important aspects of existence," napatigil kami ni Zayne ng magsalita na ang emcee.

"Magsisimula na, h'wag na kaya tayong umalis," pagbabaka-sakali kong anyaya sa kaniya.

"Tonight is a exceptional evening. I am so glad that so many special people have been able to join us this evening."

"We'll just do it quicky," sagot nito na nagpatuloy na sa paglalakad.

"Let's capture some magical moments, let's create happy memories and let's surround ourselves with laughter and friendship as we celebrate this special occasion. Have fun, thank you for joining us!" rinig kong dagdag ng emcee habang naglalakad kami ni Zayne.

Dumaan kami sa isa pang entrance nitong Square Blu, pagkalabas namin do'n ay may hallway at dumiretso kami sa pinakadulo nito.

"A-Anong . . . bakit sa banyo? Naiihi ka ba? H'wag mo sabihing nagpasama ka lang sa akin para umihi? Ang laki-laki mo na, kailangan pang may kasama?" tanong at sita ko sa kaniya matapos kong makita ang signage na ang way na 'to ay papunta sa restroom.

Hindi niya man lang pinansin ang sinabi ko at dali-dali s'yang naglakad na hawak-hawak pa rin ako sa kamay, mukhang ihing-ihi na siya.

"Dito na lang ako sa labas maghihintay sa 'yo, ah?" paalala ko sa kaniya, nasa kaliwa ang restroom para sa lalaki at nasa kanan naman ang para sa babae, nagtaka ako ng sa restroom siya ng babae dumiretso na nasa kanan.

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Where stories live. Discover now