HIS: 04

89.3K 3.2K 1.6K
                                    


Babala : may part dito na tanging inosente lang ang nakakaalam at makaka-gets. Kidding. HAHAHHA!

•••

Hindi na ako nagreklamo pa. Una, ako naman talaga ang nagsabing gagawin ko lahat huwag niya lang ako alisin. Pangalawa, ako rin ang may kasalanan kung bakit nawala ang report niya.

Pasalamat nga ako’t iyon lang ang ginawa niya, hindi kasi talaga ako p’wedeng matanggal dito. Hindi pa.

“P’wede ba muna akong umuwi sa bahay, Sir?” nagbabaka-sakaling tanong ko sa kaniya habang inaayos ko ang mga papel sa ibabaw ng mesa niya.

“Hindi na kailangan,” sagot naman nito.

“Okay,” iyon lang ang sinabi ko at nagpatuloy na ako sa ginagawa ko. Uuwi lang naman napakadamot, hmp!

“Eto bahay mo?” pagtatanong ko sa kaniya ng tumigil ang sasakyan niya sa isang malaking bahay sa loob ng village. Ano pa bang ine-expect ko sa kaniya? Malamang gan’yan kalaki bahay n’yan. Alangan namang tumira iyan sa barung-barong o kaya sa pinagtagpi-tagping yero. Minsan talaga may pagka-Made na rin ako, eh. Kailangan ko na sigurong huwag dumikit do’n parati, baka kapag kinatagalan ay pareho na kami. Shocks, I can’t!

“Obvious naman ‘di ba? Alangan namang i-park ko lang itong ‘mamahalin’ kong sasakyan dito sa labas,“ pamimilosopo niya na pinagdiinan pa talaga niya ang ‘mamahalin’. Tss, I can afford too, ‘yong nasa palengke nga lang na tagsa-sampu.

“Saka, sa palagay mo ba papapasukin tayo sa loob ng village na ‘to kung hindi ako nakatira dito?” pagtataray niya pa, “Gamitin mo nga minsan ‘yang utak mo, kung mayroon man!” natatawa niya pang dagdag.

“Kung hindi lang kita boss baka inuntog ko na ulo mo d’yan sa manibela ng ‘mamahalin’ mong sasakyan. Grrr!” pagkausap ko pa sa sarili ko pagkababa ko sa sasakyan niya at malakas kong sinarado ang pinto. Napatingin naman siya sa akin ng masama kaya nag peace sign na lang ako. “Nadulas lang sa kamay ko, hindi ko sinasadya,” pero sinasadya ko talaga, yabang mo kasi sobrang sungit pa.

Pagkabukas niya ng pinto nang bahay ay diretso na siyang pumasok, hindi man lang ako sinabihan na pumasok na rin. Kaya hindi ako pumasok, nanatili lang ako sa labas ng bahay niya. Naghihintay ako sa sasabihin n’yang pumasok na ako, hangga’t ‘di niya sinasabi ay hindi ako papasok.

“What? Bakit hindi ka pa pumapasok?” tanong niya sa akin. Naghihintay s’yang pumasok ako para siguro isarado na ang pinto.

“Wala ka pa namang sinasabing pumasok na ako, eh. Saka gano’n kaya tinuro sa akin ni pap-nevermind.” hindi ko na lang pinatuloy pa ang sasabihin ko, hinubad ko na lang ang suot kong stilleto at nilagay ko ‘yon sa gilid malapit sa pintuan bago ako pumasok, tama nga ako dahil sinara na niya ang pinto pagkatapos pinindot na niya ang switch ng ilaw para bumukas, maggagabi na rin kasi kaya may kadiliman na sa loob ng bahay niya.

“Tatayo ka na lang ba r’yan?” maya’t maya ay tanong niya sa akin ng hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko, “Lahat ba ng gagawin mo ay dapat ko pang sabihin sa ’yo?” dagdag pa nito. Ubod talaga ng kasungitan ang lalaki’ng ‘to.

“Ikaw lang ba mag-isa rito?” tanong ko ng maupo ako sa sofa nang sala. Kinuha ko pa ang maliit na unan do'n at ipinatong ko sa hita ko.

Oo nga pala wala ako dalang damit paano ako nito, medyo malagkit na rin kasi sa katawan ang suot kong pampasok sa trabaho kaya medyo nakakairita na suotin.

“Anong tawag sa ’yo?” masungit niya pa rin na tugon habang niluluwagan ang suot n’yang necktie.

“Gag-” mumurahin ko sana siya kaso  naalala kong boss ko siya kaya, “Gagamba umakyat sa sanga,” pagpatuloy ko pero imbes na murahin siya ay kinanta ko na lang ang kantang pambata.

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Where stories live. Discover now