HIS: 31

64.4K 1.5K 709
                                    

“May pupuntahan ka pa, Zayne,” reklamo ko sa kaniya.

“Hindi mo p’wedeng i-cancel na naman ang meeting, magagalit na naman sa ’yo ang tatay mo n’yan,” dagdag ko pang paalala sa kaniya. Baka kung ano-ano na namang masabi ng tatay niya sa kaniya, e. Mas okay na 'yong walang masabing masasakit na salita ang tatay niya kaysa masarapan kami tapos mamaya pagagalitan lang siya. “Marami pang pagkakataon d’yan, Zayne,” suhestiyon ko pa.

Tumango naman siyang pinulot ang mga nagkalat sa sahig na damit niya, nilinisan muna namin ang aming mga sarili bago nagbihis.

“You sure? You don’t want another round?” pangungulit nito habang sinusuot ang necktie.

“Sige na, unahin mo muna ’yan, Zayne!” siguradong pamimilit ko.

“Okay, let’s have a dinner date. Since I have two consecutive meeting schedule I might not be able to get back here. I’ll just send you the location and then just wait for me there around 5PM,” pagpapaliwanag niya.

Ilang saglit ko rin inintindi ang sinabi niya bago ako tumango.
“Sige, pupunta ako.” Pagsang-ayon ko sa kaniya.

Pagkalipas lang ng ilang minuto ay umalis na rin si Zayne, habang ako ay iginugol ko ang nalalabing oras sa pagsubaybay ng mga gamit na kailangan sa opisina at makipag-usap sa mga nag-s-supply nito para matiyak kong hindi magkakaubusan.

Pagkalipas ng ilang oras ay na-receive ko na rin ang message mula kay Zayne, do’n nakalagay kung saan kami magkikita, may attachment na rin iyon ng location para ‘di ako mahirapan maghanap kung saan ‘yon. Sa isang seaside restaurant kami mag-d-dinner date.

Pagsapit ng alas-kuwatro y medya ay naisipan ko nang pumunta ro’n.

Halos kalahating oras lang ang naging biyahe papunta ro’n, medyo may kalayuan din naman ito pero hindi naman gano’n ka-traffic kaya nakapunta ako ng tama sa oras.

4:56PM na matapos kong tumingin sa relo ko, since may bench dito sa labas. Dito ko na lang naisipan na hintayin si Zayne. Habang inaantay ko siya ay nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko.

NOT-SO-SALTY-FRIENDSHIP

Me:
Ma-l-late akong uuwi ah may dinner kami ni Zayne.

Kylie:
Oh? Okay. Tammy is not around too.

Sagot ni Kylie, hindi ko na hinintay pa ang sagot ng iba.

Pinatay ko na lang ang cellphone at aligaga akong patingin-tingin sa bawat side.

5:37PM. Pagtingin kong muli sa relo ko pagkalipas ng ilang minuto. Hanggang ngayon ay wala pa rin siya kaya naman maisipan ko nang i-message na lang siya.

To: Zayne
Andito na ako.

To : Zayne
Nasaan ka na?

To : Zayne
Papunta ka na ba?

Tatlong messages ang s-in-ent ko sa kaniya. Ngunit lumipas na ang halos bente minutos ay wala pa s’yang reply, ‘di ko pa rin siya masilayan kahit saan.

Hindi na ako mapakali mula sa pagkakaupo kaya tumayo ako at naglakad-lakad. Pabalik-pabalik lang naman akong naglalakad, siguro’y nagtataka na ang mga nakakakita sa akin dahil sa pinaggagawa ko. Paulit-ulit ko din tinitignan ang phone ko baka sakaling may message na siya pero wala talaga.

5:53PM. Halos isang oras na rin akong narito, Kanina pa akong naghihintay pero walang nangyayari, wala pa rin si Zayne.

To : Zayne
Pupunta ka pa ba?

To : Zayne
Message mo ‘ko kung makakapunta ka pa, kahit late ka na maghihntay pa rin ako rito.

To : Zayne
Kaya ko pa namang maghintay.

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Where stories live. Discover now