HIS: 17

66.7K 2.1K 414
                                    


“Tapos? Anong nangyari? Ang bagal mo naman magkuwento. I-fast forward mo na kaya?!” gusto ko na kasing malaman kung ano ba talagang nangyari sa past ni Sir Zayne.

“Teka naman, napaka-excited nito!” asik niya sa akin pabalik. “Ayon nga, ang sabi sa akin ay magkaibigan daw no'n si Sir Zayne at ang Avery simula pagkabata, pinagkasundo na rin daw ang mga ito ng mga magulang nila para sa isa’t-isa. Sumang-ayon naman ang dalawa ro’n dahil pareho silang nagkagustuhan din, kung hindi sila pinagkasundo ay mukhang hindi pa sila aamin ng nararamdaman nila para sa isa’t isa,” pag-k-kwento niya.

Ang swerte naman nila kahit pinagkasundo sila wala pa rin problema dahil gusto rin nila ang isa’t isa, ‘yong tipong walang hahadlang sa pagmamahalan nila, tanggap sila ng buo, walang dapat itago, malaya silang ipagsigawan sa mundo ang pagmamahalan nila.

“Bakit sila naghiwalay?” tanong ko pagkaraan ng ilang segundong katahimikan dahil sa mga naisip kong ‘yon.

“Engaged na sina Sir Zayne at ang ex-girlfriend n’yang si Ms. Avery year 2017. Ikakasal na nga dapat sila,” muli niyang pagkuwento, binitin pa nga ako.

“Waaaah! Kaso?” mukhang alam ko na kasi ang mangyayari kaya ganito ang reaksiyon ko.

“Kaso nga lang nahuli ni Sir Zayne ‘yong Avery na may ibang lalaki sa loob ng tinutuluyan nitong condo unit,” dahil lang do’n? ano namang masama kung may ibang lalaki sa condo no’n?

“Baka nagkamali lang si Zayne ng pagkaka-intindi?” pagbabaka-sakali ko. “Baka naman kaibigan lang?” dagdag ko pa.

“May kaibigan bang nakapatong sa kaibigan niya tapos walang suot na damit habang sarap na sarap naman ‘yong babaeng hinihigop laman niya?” puno ng sarkastikong tugon niya sa akin na natunganga ako dahil iniisip ko kung ano ba ang pinupunto niya ro’n.

“Ha? Ba’t may laman? Ano ‘yon karne? Tss. Gumagawa ka ata ng sarili mong kuwento, eh,” katwiran ko sa kaniya pagkaraan ng ilang segundong nakatunganga ako habang iniisip ang sinabi niya.

“Hindi mo gets?” takhang tanong nito sa akin, umiling na lang ako, totoo naman, eh. Wala naman talaga akong naintindihan sa sinabi niya. “Ang hina mo naman, sis!” reklamo pa niya sa akin.

“Anong mahina? Eh, kung buhusan kaya kita ng kape d’yan?” pananakot ko sa kaniya, napatitig naman siya sa hawak kong mug ng kape bago binalik sa akin ang tingin, bahagya pang nakaawang ang bibig niya.

“Biro lang, eh. Basta hindi niya ‘yon kaibigan, niloko ni Avery si Sir Zayne. ‘yon ang totoo,” medyo pataray na pagkuwento ni Lara na naglalagay ng mainit na tubig sa mug.

“Ano namang ginawa ni Zayne pagkatapos no’n?” malay natin nagmakaawa siya sa Avery na iyon na siya na lang ang piliin o kaya naman nagbulag-bulagan s’yang hindi niya nakita para hindi sila maghiwalay. May mga napanood na rin kasi akong gano'n, ’yong tipong ikaw na nga ang ginawan ng mali sa bandang huli ikaw pa ang maghahabol para lang piliin ka, handa kang magpapara lang hindi ka iwan.

“Wala naman, hindi naman malala,” simpleng sagot nito.

“Eh, ano nga?” pangungulit ko.

“Hindi naman malala, binasag niya lang naman mukha no’ng lalaki kaya ayon nagkabungi-bungi na nga, pumangit pa!” paliwanag niya naman na natatawa pa kasabay ang paghalo niya sa kape.

“Waaaah! Ginawa niya ba talaga ‘yon?” paninigurado ko, grabe naman kung gano’n kawawa naman ‘yong nabugbog.

“Oo naman! Sino ba namang hindi magagalit no’n? Dalawang araw na lang ikakasal ka na tapos gano’n mangyayari? Sobrang sakit no’n sa part ni Sir Zayne, lalo pa’t saksi kami kung gaano niya minahal si Avery, ni hindi niya nga ata iyon hinayaan man lang na madapuan ng langaw o kaya lamok, halos araw-araw may pa-bouquet of flowers ‘yon si Sir, sunflower pa ack! Tapos sa tuwing makikita ko sila laging nakatawa ang dalawa, sila iyong tipo ng mag-jowa na parang magkaibigan lang, cool ‘di ba? Pero gano’n talaga ang buhay hangga’t may hindi marunong makuntento, maraming naloloko,” tss, gano’n pala si Sir sa ex niya, tanga ni girl. Suwerte na sana siya, sinayang niya pa.

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt