HIS: 08

81.5K 2.6K 315
                                    


Natapos ang buong maghapon na iyon ay hindi pa rin niya ako pinapansin, hindi ko na lang siya ginulo dahil mukhang abala siya at abala din naman ako.

Kinabukasan ay gano'n pa rin ang nangyari, pagkapasok ko ay naroon na siya sa loob ng room niya kahit sulyapan man lang ako ay hindi niya ginawa. Pinabayaan ko na lang siya kung wala s'yang balak pansinin ako, e 'di don't. Akala naman niya pipilitin ko siya, Tss. Ang problema nga lang parang wala na talaga akong pag-asa na makita si pencil.

Tumagal ng halos isang linggo na wala kaming pansinan ni Zayne. Kung ayaw niya ako kausapin, 'di ko rin siya kakausapin.

"Sorry, pencil. Mukhang wala na yata tayong pag-asa na magkita pa," pagkausap ko sa sarili ko, nakatayo ako ngayon sa harapan ng sliding door papasok sa room ni Sir, wala man lang talaga s'yang balak na tignan ako, kunot-noong nakatitig siya sa monitor ng laptop niya, ang aga-aga ay abalang-abala na agad siya.

Tutungo na sana ako sa table ko ng may biglang kumatok. Napatingin ako kay Sir Zayne baka sakaling utusan niya akong pagbuksan 'yon, tumingin naman siya sa akin saglit bago siya tumayo at naglakad. Napalunok ako ng dinaan niya lang ako na parang hindi ako nag-e-exist, nanuot sa ilong ko ang pabango n'yang panlalaki, ang sarap niya sa ilong, sakto lang din ang tapang no'n at hindi nakakasawa kapag naamoy mo ng paulit-ulit. Dahil mukhang wala naman akong magagawa, naupo na nga lang ako sa upuan kaharap ng mesa ko. Habang inaayos ko ang mga papel na medyo nagkalat sa mesa ko ay saka lang pumasok kung sino man ang kumatok kanina.

"Hey, dude! I miss you!" napalingon ako ng magsalita 'yon, kaswal pa silang nagyakapan, tinapik-tapik pa ng lalaki ang likod ni Zayne. 'Di ko siya tatawaging Sir, 'di niya ako pinapansin, bahala siya.

"I don't feel the same way," sarkastiko namang sagot ni sungit matapos kumawala sa yakapan nila.

"Ouch!" napahawak ang lalaki sa dibdib niya dahil sa sinabi ni Zayne. "You're hurting me now with your words, Andrius!" dagdag pa nito.

Natatawa namang pinagmamasdan ni Zayne ang lalaki "You still don't change, do you?" tanong niya rito. "Huh? Jaille!" puno ng pang-aasar ang mga sinabi niyang 'yon.

"Yeah! Yeah! I'm still the old and only pogi among all of us, my dear friend," 'Di ko alam kung bakit bigla na lang akong natawa sa sinabi niya kahit 'yong 'pogi' lang ang naintindihan ko, bakit kaya ibang-iba si Zayne sa mga kaibigan niya? Mukha kasing palabiro ang mga ito, una iyong lalaking pumunta rito kahapon ay mukhang palabiro, samantalang iyong ngayon naman ay medyo maloko din ang datingan niya pero ang inosenteng tignan ng itsura niya, good boy ang looks niya na parang wala pang pinapaiyak na babae at hindi kayang gumawa ng kasalanan. Pero kapag si Zayne na, jusko, kabaliktaran siya ng mga ito, although iyong naunang pumunta naman ay parang madami ng napaiyak na babae at mukhang lapitin ng chicks ang isang iyon. 'Di na ako magtataka kung walang babaeng bumubuntot kay Zayne, mukha yatang hindi kakayanin at natatakot ang mga ito sa kasungitan ni sungit.

Napalingon ang lalaki sa direksyon ko, natitiyak kong ngayon niya pa lang ako napansin, kahit nagulat siya na siguro hindi niya inaasahang mayroong maganda-este ibang tao sa office ni Zayne.

"Oh? Hi!" nag-wave pa siya ng kamay niya na mas lalong lumawak ang pagngiti niya. Sheymms! Ang guwapo! Kung mayroon lang ganito ka-g'wapo na ino-online selling, matagal na akong nag-mine at nag-place ng order kahit total of twelve quantity pa 'yan at kahit mahal ang shipping fee, papatusin ko na.

"Hello po!" nahihiya ko namang sagot sa kaniya.

"No! No! Don't use the word 'po' it doesn't look like our age gap that far," tumango na lang ako sa kaniya, 'di ko naman alam kung ano isasagot ko, bakit ba kasi ang hihilig nila mag-english, eh nasa pilipinas naman sila?

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Where stories live. Discover now