HIS: 41

46.1K 1.4K 450
                                    

Kumuyom ang kamao ko pagkatapos kong marinig ‘yon mula kay Zayne. Gusto ko s’yang saktan, gusto kong iparamdam sa kaniya ‘yong sakit na ginawa niya sa akin kaso hindi ko magawa, hindi ko magawang saktan siya. Gano’n ko siya kagusto para magpigil ako ng galit sa kaniya. Ang gusto ko lang naman ay magkaayos kami, gusto ko lang na bumalik kami sa dati. Gano’n ba ‘yon kahirap ibigay para umabot kami sa ganito? Para pahirapan niya ako ng ganito.

Umalis ako ng opisinang ‘yon na masama ang loob, masakit sa damdamin ang bawat bagay na pinaparamdam sa akin ni Zayne.

Hindi ko na alam kung bakit kailangan ko pa itong tiisin, hindi ko alam kung bakit ang hirap-hirap balewalain, bakit kailangan umabot sa ganito ang kabayaran sa isang pagkakamali na hindi ko naman ginusto.

Naisipan ko munang pumunta sa bahay namin, susubukan ko na rin makipag-ayos sa kanila. Magbabaka-sakali lang naman ako na baka puwede na kaming bumalik sa dati, ‘yong dating wala kaming galit sa isa-isa, walang tampuhan, puro kalokohan lang. Sobrang na-m-miss ko na kasi sila. Kahit hindi ko siguradong may dadatnan ako pagpunta ko ro’n ay tinuloy ko pa rin.

“Gian, anong ginagawa mo rito?“ aligagang tanong ni Made pagkabukas ko ng pinto, siya agad ang bumungad sa akin na abala sa pagpupunas ng mga gamit sa sala.

Lumapit ako sa kaniya at akma ko s’yang yayakapin ng iharang niya ang dalawang kamay niya at pagkatapos ay umusog siya nang kaunti paatras. “Made . . .” puno nang kalungkutan kong banggit sa pangalan niya, sinubukan ko pa rin s’yang lapitan ngunit lalo lang s’yang umaatras.

“Galit ka ba sa akin, Made?” pagkakuwa’y tanong ko sa kaniya. “Hindi mo ba ako na-miss?” dagdag ko pang nagmamakaawa sa kaniya.

“M-Magagalit sa akin si Ele kapag kinausap kita, umalis ka na rito, Gian!” tugon naman niya sa akin na parang nagdadalawang-isip s’yang sabihin ‘yon o sadyang natatakot lang siya.

“Made, please? Hindi ka naman galit sa akin ‘di ba? Na-miss mo rin naman ako ‘di ba? Made . . .” pangungulit ko sa kaniya, hindi na ako nakatiis at tuluyan ko na talaga s’yang niyakap kahit paalisin o ipagtabuyan niya pa ako. Nang mayakap ko naman siya ay wala naman s’yang reaksyon, hindi naman siya umalma sa ginawa ko.

“Anong ginagawa mo rito?!” agad akong kumawala mula sa pagkakayakap kay Made pagkarinig ko no’n na napalingon ako sa kinaruruunan ng boses na ‘yon.

“K-Kylie,” nauutal kong tawag sa kaniya, kasalukuyan s’yang nagtatali ng buhok na nakataas ang dalawang kilay habang nakatitig sa akin. “And who told you that you’re allowed to come here, bitch?” napakurap-kurap ako sa paraan ng pagtatanong ni Kylie at sa pagtawag niya sa akin. Kahit isang beses ay hindi ko ‘yan narinig sa kaniya, ‘di niya ako sinasabihan ng gan’yan.

Bakit gano’n na lang kadali nagbago ang trato niya sa akin? Hindi niya pa nga alam ang totoong rason.

“K-Kylie. Wala akong kasalanan. Maniwala ka, hindi ko ginusto. May ginawa si Brecken kaya nangyari ‘yon, please naman, oh? Maniwala naman kayo sa akin. Maniwala ka naman sa akin kahit ngayon lang.”

Matapos n’yang marinig ‘yon ay tumawa muna siya sa sinabi ko. “Akala mo ba maniniwala ako sa ’yo? Pwes, hindi!” pasigaw na sagot niya sa sarili n’yang tanong.

“Maniwala ka naman, oh? Paniwalaan mo ‘ko, please?” pagpupumilit ko.

“Bakit naman ako maniniwala sa ’yo?” balik na tanong nito.

“Dahil . . . Dahil kaibigan mo ‘ko, Kylie?” pag-iisip ko nang puwedeng katwiran at ‘yon ang kusang sinaad ng bibig ko.

“Kaibigan?! Owshit, Gian! After what you’ve done you will say that we’re friends?! Simula no’ng nagbago ka na, simula no’ng nakipag-séx ka sa mismong kapatid pa ni Zayne. Kinakaya na kita, Gian! Kinakahiya ko na naging kaibigan pa kita!” labis akong nadala sa mga sinabi n’yang ‘yon, ang sakit-sakit na mismong sa kaibigan ko maririnig ang mga salitang ‘yon.

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Where stories live. Discover now