HIS: 42

45.6K 1.4K 435
                                    

Titig na titig lang siya sa akin habang nagtatanong ako. "B-Bakit po, Ate? Bakit ganiyan po ang reaksyon niyo? Kilala niyo po itong nasa picture?" turo niya sa taong nasa picture na hawak-hawak ko.

Pabalik-balik ang tingin ko sa picture na hawak ko at sa mukha ni Sab, hindi ko napansin no'ng mga nakalipas na araw na mayroon silang hawig nito. Dahil do'n ay namuo ang kaba sa dibdib ko, hindi ko pa naman tiyak, wala pa mang kasiguradohan ngunit kabang-kaba na ako.

"Kilala mo po ba Ate ang mama ko?" natulos ako sa kinatatayuan ko matapos kung marinig 'yon mula sa kaniya, parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil do'n na nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam, nanginginig na rin ang kamay ko dahil na rin siguro sa pagkabigla.

"Mama mo?" tanong ko sa kaniya, magbabaka-sakali lang naman akong mali ang pagkakarinig ko.

"Opo, Ate. Mama ko po iyang nasa picture. Kilala mo po ba siya?" tanong nito pabalik sa akin na tulad ko ay nagtataka rin siya sa ikinikilos ko.

"O-Oo. Kilalang-kilala ko," 'yon lang ang kinaya kong isagot dahil namamasid ko na naman na parang maluluwa ako.

Ano na naman ito? Hindi pa rin ba tapos ang pagpapahirap sa akin? Bakit kailangang ganito? Bakit kailangang sunod-sunod? Hanggang kailan ba ito? Mayroon pa bang mas malala rito? Bakit hindi ako nilulubayan ng mga dagok na 'to?

"Sabihin mo sa akin, Ate. Paano niyo po nakilala ang mama ko?" halata sa mukha niya na gulong-gulo na rin siya sa nangyayari.

"Mama mo? Paano mo nasisiguradong mama mo 'yan, Sab?!" sa pagkakataong ito ay bahagya nang tumataas ang tono ng boses ko.

"A-Ano po bang sinasabi mo, Ate? N-Naguguluhan po a-ako."

"Dahil nanay ko ang tinatawag mong mama mo, Sab! Kaya ano ang sinasabi mong mama mo siya?! Imposible, Sab! Imposible!" pigil ang galit ko habang sinasabi sa kaniya ang totoo.

"H-Hindi ko po k-kayo maintindihan, A-Ate?" hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag sa kaniya.

Ginalugad ko ang bag ko dahil natatandaan ko na may nag-iisang picture ako ni mama na nasa wallet ko. Oo, galit ako sa kaniya pero ayokong itapon o sunugin man lang ang picture n'yang ito. Ito na lang kasi ang nagpapaalala sa akin no'ng mga araw na kompleto pa kami, mga panahong masaya pa kami.

Pagkakuha ko ng larawan na 'yon ay agad kong ipinakita sa kaniya. Kinuha naman niya naman iyon sa akin na pinagkatitigan niya.

"Naguguluhan na po talaga ako, Ate. Ano pong ibig-sabihin nito? Kapatid po ba kita? Pero wala pong nabanggit sa akin si mama."

"Wala akong kapatid! Kahit kailan hindi ako nagkaroon ng kapatid!" tumataas na ang tono ng boses ko habang sinasabi 'yon sa kaniya. "Ang nasisigurado ko lang ay anak ka ng nanay ko sa ibang lalaki, Sab!" pag-amin ko sa kaniya kahit alam kong masakit 'yon sa part niya.

"Hindi po 'yon magagawa ni mama," kontra niya sa akin na lumandas ang mga luha niya pababa sa pisngi niya. "Hindi gano'n ang pagkakakilala ko kay Mama!" pagtatanggol niya pa rito.

"Hindi magagawa? Kung hindi niya 'yon magagawa sana'y wala ka ngayon dito. Kung hindi niya 'yon ginawa sana hindi tayo nakakapag-usap. Kung hindi niya 'yon magagawa sana ay buo pa kami ngayon! Sana hindi si papa naghanap ng ibang babae kung hindi nagloko si mama! Sana hindi ako nahihirapan ngayon! Sana hindi ako nasasaktan sa mga pagkakamaling nagawa niya!" nilabas ko sa kaniya ang mga hinanakit ko no'n. "Hindi gano'n ang pagkakakilala mo sa kaniya kasi nagmalinis siya sa 'yo. Naglihim siya sa 'yo, hindi niya sinabi ang totoo. Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko dahil d'yan sa sinasabi mong mama mo. Kung 'di nagloko si mama sana wala ka ngayon!" pinagdiinan ko pa ang huling sinabi ko.

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon