HIS: 22

62.2K 1.7K 306
                                    

Tatlong araw na ako palaging kumakain ng lollipop, sabi ni Cali ay sasabihin niya sa akin kung bakit niya ako pinapakain nito kapag naubos ko na lahat. Gusto ata niyang sumakit ang ngipin ko at magka-diabetes ako.

Twenty four pieces lang nkaman ang laman ng isang balot no’n pero hirap na hirap akong ubusin kaya naman inabot na ako ng ikatlong araw ay nakakalahati ko pa lang ang isang balot.

“Pahingi ako,” nakahiga ako sa sofa habang nagbabasa sa libro ng lumapit sa akin si Made. Kahapon pa ito hingi nang hingi sa kinakain kong lollipop pero hindi siya makahingi dahil palagi s’yang nahuhuli ni Cali.

"Do'n ka kumain sa kuwarto mo dali," inabot ko sa kaniya ang tatlong pirasong lollipop, buti na lang ay wala sa paligid si Cali kaya hindi siya masasaway.

"Thank you, Gian!" nakangiti n'yang wika, mabilis naman s'yang umakyat na sinunod ang sinabi ko.

Tinuloy ko na lang ang pagbabasa ko, since November 1 ngayon kung saan special non-working holiday kaya wala akong pasok. Wala rin naman kami pupuntahan na sementeryo kaya mas pinili na lang namin na manatili dito sa bahay.

"Netflix tayo!" pagkaraan ng ilang oras ay nagyaya si Kylie na manood.

“Game ako d’yan!” sang-ayon ni Cali na inilapag sa center table ang mga snack.

“Ano ba magandang panoorin?” tanong naman ni Ele na naupo sa tabi ko.

“Snow white and the seven dwarfs!” humalingawngaw ang sigaw ni Made sa buong silid. Napahilot na lang ako sa sintido ko, bukod sa ingay niya kasi ay subo-subo niya pa ang isang lollipop, mahahalata tuloy siya ni Cali. Isa pa pagsigaw niya ay nahulog iyon pero pinulot niya at muling sinubo.

“Yak. No way! Ano ka 7 years old?” mabilis na reklamo naman ni Kylie.

“Kindergarten ka, bes? Teka! Sino nagsabi sa ’yong kumain ka ng lollipop?” ayon na nga napansin na ni Cali.

“Ako!” sinagot ko na agad ang tanong niya. “Nakakaawa kasi kaya binigyan ko na saka isa lang naman, eh!” pagpapaliwanag ko, tinarayan niya lang ako at lumingon muli kay Made.

Tinuro niya ang mata niya gamit ang dalawa niyang daliri pagkatapos ay itinuro din si Made na nangangahulugang nakasubaybay siya kay Made o humanda si Made sa kaniya.

“Romance tayo!” pag-iiba ko sa usapan.

“Boring ’yon. Pare-pareho lang naman ang plot ng mga napapanood ko,” hindi pagsang-ayon ni Cali. “What about erotica?” suhestiyon pa nito.

“Gaga! May inosente dito, oh. Tapos may bata pa,” ako at si Made naman ang sunod n'yang nilingon bago muling binalik kay Cali ang sulyap “Ikalma mo muna ‘yang pechay mo, Cali. Action na lang panoorin natin.”

“Ikaw lang naman mag-e-enjoy h’wag na lang,” hindi rin sumang-ayon si Kylie, “What if comedy?” siya naman ang nagbigay ng iba pang genre.

“How about horror? It’s november na kaya,” sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita na nasa gawi ng pinto.

“Ate Tammy!” masayang sigaw ni Made na siya ang unang lumapit kay Tammy na nanatili sa may pinto.

“Ah! I miss you a lot, sweetie!” niyakap ni Tammy si Made pagkakuwa’y hinalikan sa pisngi. Wala pa rin tumatayo sa amin maliban kay Made para lapitan siya.

“Didn’t you miss me, guys? I’m getting kinda tampo na, ah!” bumaling siya sa amin ng itanong iyon.

“OMG! It’s you na nga, Tammy!” sigaw ni Cali na tumayo na rin at lumapit na kay Tammy.

“Ikaw na nga!” dagdag pa nito ng yakapin si Tammy, “Omaygad! Omaygad!You look even more beautiful, Tammy! Geez! I didn’t expect you'll come back today! Oh god! I really miss you too much, honey!” hindi mapigilan ni Cali ang tuwa nang sandaling ito, hindi pa rin din siya makapaniwala sa pagbalik ni Tammy.

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Where stories live. Discover now