HIS: 12

73.1K 2.2K 210
                                    

After ng nangyari sa party ni Aiden matapos naming sugurin ang kasambahay nito ay umuwi na rin kami maliban kay Cali na nagpaiwan pa, sabi ng isang kaibigan ni Zayne ay siya na lang daw ang maghahatid kay Cali pauwi. Hindi na kami nakipag-argumento pa kaya hinayaan na lang namin siya. Pinakilala na rin naman kasi sa amin ni Cali na iyon pala ang may-ari sa kompanyang pinapasukan niya.

Hindi na rin naman ako nakatulog pagkarating namin sa bahay, alas-dos pa lang naman ng madaling araw kaya may oras pa akong matulog pero mata ko na mismo iyong ayaw kaya ‘di ko na lang pinilit, kumuha na lang ako ng kung ano mang p’wedeng kainin sa fridge, marami naman akong pamimilian kaso nga lang wala akong mapili do'n pero sa kinatagal-tagal kong pag-iisip kong alin na lang ang puwede kong kainin ay nauwi na lang ice cream, okay na rin 'to.

Gusto ko lang naman talagang kumain, isa pa coffee crumble naman ang flavor nito kaya ‘di talaga ako makakatulog nito.

Kumakain ako sa mesa ng ma-realize kong nakakawalang-ganang kumain sa sobrang tahimik, ako lang naman kasi ang gising pa,  lahat sila’y natulog na pagka-uwi. Lumipat na lang ako sa sala, kinuha ko ang remote ng tv para manood na lang ng movie sa netflix.

Pagdating naman sa panonood ng mga movie ay mas gusto kong panoorin ang mga romance na tragic, ewan ko ba kung bakit, hindi lang talaga siguro ako naniniwala sa happy endings, sa mga disney lang naman daw kasi mayroong gano’n. ‘Pieces of a Woman’ na lang ang pinili kong panoorin, feeling ko kasi maganda ang mangyayari dito, may kutob lang akong masa-satisfy ako kapag pinanood ko ‘to.

“Gianna!” naalimpungatan ako ng biglang may yumugyog sa akin naririnig ko pa ang tv na nag-iingay, kinusot-kusot ko muna ang mata ko bago ako tumingin kung sino man ‘yong gumising sa akin, napalingon din ako sa center table kung saan naro’n ang pinagkainan ko ng ice cream. Nang sandaling mapatingin ako sa tv,  bigla na lang akong napapikit, nakakasilaw kasi ang liwanag nito.

“Ba’t dito ka natulog?” muli kong tinignan si Cali na nakatayo sa may outside back ng sofa, nasa pleated arm kasi ng sofa ang ulo ko kaya nakatingala ako sa kaniya, gulo-gulo pa ang buhok nito’t parang hinihingal pa.

“Kakauwi mo lang ba? Ba’t parang hingal na hingal ka? Naglakad ka lang ba pauwi? Akala ko ‘yong lalaki ang maghahatid sa 'yo?” hindi ko nasagot ang tanong niya matapos ko s’yang tanungin ng sunod-sunod.

Bigla naman s’yang umiwas ng tingin. “H-Hinatid ako,” simpleng sagot naman niya.

“Eh, ba’t nga hingal na hingal ka?” pag-uulit ko sa tanong. Nakangiwi niya naman akong tinignan ulit, napansin ko pa ang biglang pamumula ng mukha niya.

“W-wala!” nauutal n’yang sagot. “Nag-ano lang ako, uhm . . . nag-handjo—este jackstone! Oo, naglaro ako ng jackstone!” medyo naguluhan naman ako sa paliwanag niya.

“Jackstone?” gulat na tanong ko sa kaniya, ganito kaaga jackstone? “Ano bang ginamit mong pang-jackstone para hingalin ka ng gan’yan?” dagdag ko pang tanong.

“Basta jackstone!” tipid n’yang sagot, mukha pang napipilitan siya.

“W-Wait, sino kalaro mo? ‘Yong boss mo ba?” nagtataka lang kasi ako kaya marami akong tanong, sa gan’yang edad ba naman ay maglalaro pa siya ng jackstone, kakaiba naman masyado, hindi pa nga ata sumisikat ang araw ay nakapaglaro na siya.

“Oo, si Chaeus,” sa bagay, kung iyong lalaking ‘yon ang kalaro niya ay medyo hindi na nakapagtataka parang may pagka-isip bata rin kasi ‘yon. “Dalawang bola gamit do’n kaya mahirap tapos imbes ‘yong jack ang gagamitin do’n ay parang ano—parang si pencil! Basta! h’wag mo nang itanong!” naiinis na n’yang pagpapaliwanag, ‘di ko naman in-expect na sasabihin niya pa ‘yon, siguro iniisip n’yang baka magtanong pa ako kaya inunahan na niya. Hindi na lang ako nagtanong pang muli baka lalong mainis ang isa, tumungo na rin siya sa taas kaya bumangon na ako.

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon