HIS: 25

61.3K 1.7K 312
                                    

Pagbangon ko ay wala na si Zayne sa sofa. Nagtataka ako kung bakit do’n siya sa sofa natulog kahit ang lawak-lawak naman ng kama. Ilang beses ko rin s’yang pinilit na dito na lang siya matulog sa kama pero ayaw niya talagang magpapilit.

“I’m doing this for me, Gian! Because I don’t want to take advantage of you,” iyon ang rason na sinabi niya sa akin kagabi na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang ibig sabihin niya ro’n.

Pumasok na lang ako sa banyo para ayusin ang sarili ko, naghilamos ako at inayos ko na rin ang magulo kong buhok pagkatapos ay nagsipilyo na rin ako, hindi na kasi ako nakapagsipilyo kagabi sa sobrang bigat ng katawan ko kaya tinamad na rin ako. Ang ginawa ko na lang ay dalawang beses akong nagsipilyo ngayon.

“You’re awake na pala,” pagkalabas ko ng banyo ay si Zayne agad ang tumambad sa akin. Nakasuot lang siya ng black jogging pants, maliban do’n ay wala na s’yang suot na pang-itaas, may hawak-hawak din s’yang mug, siguro ay nagkape ito.

“Kamusta tulog mo?” tanong ko sa kaniya habang sinusuklay ko ang buhok ko.

“Just fine,” simpleng sagot nito.

“Sabi ko naman kasi sa ‘yong tumabi ka na lang sa akin dahil ang lawak naman ng kama kaso ayaw mo pa rin,” pangsisisi ko sa kaniya na tumungo na ako sa higaan para ayusin ang mga unan at ang kumot ro’n.

“Next time I will sleep next to you,” mahinahon n’yang sagot sa akin. “And I’ll promise that I have your permission that time,” dagdag nito na napatigil ako sa pagtutuwid ng kumot para hindi ito gusot-gusot na nakalagay sa kama.

“Pumayag naman ako, ah!” pagpapaalala ko sa kaniya, “Ilang beses pa nga kitang pinilit na tumabi na lang sa akin pero wala naman akong nagawa,” dagdag ko pang katwiran sa kaniya.

“Let’s eat breakfast na lang,” pag-iiba niya sa usapan na ginayak ako palabas ng room.
Pagbaba namin sa restaurant na pang breakfast ay dumiretso na kami sa counter para um-order.

“Set C, akin,” wika ko kay Zayne, ang set C ay may corned beef, pork tocino, beef tapa, garlic rice at sunny side up egg at atchara.

“How about your drink?” baling muli sa akin ni Zayne.

Napatingin ako sa monitor nila at pumili ng maiinom “Orange fruit shake na lang,” saad ko sa kaniya sa napili kong drink.

Maaga pa kaming natapos sa pag-aalmusal kaya bumalik na rin kami kaagad sa room namin. Naging abala naman si Zayne sa pag-c-check ng kung ano-ano sa laptop na dala niya, minsan pa ay may kausap ito sa telepono. Natitiyak kong parte ‘yon ng pagpunta namin dito kaya ‘di ko na siya inabala pa.

Nagpadala na lang din siya ng pagkain dito sa room namin para dito na lang kami kumain, mukhang ‘di niya maiwan-iwanan ang ginagawa niya dahil habang kumakain siya ay may binabasa siya sa screen ng laptop at para s’yang bubuyog na bumubulong-bulong habang nagbabasa.

Pagsapit naman ng hapon ay gano’n pa rin ang nangyari, abala pa rin siya ro’n. Nagpresenta naman ako kung may maitutulong ako sa kaniya pero sabi niya ay kaya na raw niya iyon kaya wala pa rin akong nagawa.

Sa pagkabagot ko ay lumabas na lang ako sa room dala-dala ang camera ko. Tumungo ako sa pool bar area ng hotel kung saan marami-rami ang taong naro'n.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkuha ng larawan sa paligid, malapit na rin namang gumabi kaya papalubog na ang araw.

Napangiti ako ng tignan ko ang kinuha kong litrato, ang focus ng picture ay sa isang babaeng naglalakad sa gilid ng pool, sobrang lawak kasi ng ngiti niya kaya ‘di ako nagdalawang-isip na kuhaan siya ng litrato. Hindi naman siguro niya ako mapapansin dahil pumwesto ako sa may halaman.

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Where stories live. Discover now