HIS: 40

47K 1.4K 751
                                    

WARNING: R-18

•••

"Ano ba 'tong nangyayari ba't bigla-bigla na lang ako nagsusuka? Ang unti lang naman ang nainom ko kagabi," katwiran ko sa sarili ko habang naghihilamos ako.

"What are you doing?! Leave now!" asik sa akin ni Zayne pagkalabas ko pa lang ng banyo, nakaabang na pala siya sa akin na lumabas.

"Zayne. Please, h'wag mo na akong itaboy. Mahal na mahal kita. Please? Balik na tayo sa dati," ayokong umalis ng hindi kami nagiging okay. Ayokong umalis ng wala akong kasiguraduhan.

"Bakit ba ang kulit mo, ha?! Bakit ba pinagpipilitan mo ang sarili mo, hindi nga kita gusto! Hindi kita nagustuhan! wala akong nagustuhan sa 'yo!" sagot niya na pinagdidiinan ang bawat salita.

"Hindi kasi ako naniniwala na hindi mo 'ko gusto, Zayne! Alam kong gusto mo 'ko. Dini-deny mo lang kasi nasaktan kita!" dahilan ko sa kaniya, gano'n kasi ang nararamdaman ko, alam kong minahal niya talaga ako.

"Ang kampante mo 'no?! Tiwalang-tiwala ka sa sarili mong nagkagusto talaga ko sa 'yo. Hindi kita gusto! You should not here, Gian. Just leave now." Patuloy pa rin siya sa pagtaboy sa akin, nangako ako sa sarili kong hindi ako aalis rito hangga't hindi siya bumabalik sa akin. "Leave!" dagdag n'yang sigaw sa akin, ayoko sanang umalis ng hindi niya sa akin sinasabing gusto niya ako, na mahal niya talaga ako.

Napilitan akong umalis na lang dahil kitang-kita sa mukha niya ang galit. Bagsak ang aking balikat habang naglalakad palabas ng bahay ni Zayne. Buti na lang sasakyan ko ang ginamit ko kagabi sa paghatid sa kaniya kaya wala akong problema na uuwi.

Sakto namang pagkarating ko sa condo ay narito pa si Cali, naka-ready na siya para pumasok. "Hey, Gian!" agad n'yang pagkuha sa atensyon ko pero hindi ko muna siya pinansin at pumasok agad ako ng banyo para umihi. "Where have you been?" tanong nito sa akin habang nagsusuklay siya ng buhok pagkalabas ko.

"Sa bahay ni Zayne," pag-amin ko.

"Ano?!" gulat n'yang reaksyon. "Ano namang ginawa mo ro'n?" dagdag nito.

"Hinatid ko siya kagabi, lasing kasi siya," daglian ko namang sagot na napaupo ako dahil ramdam ko ang antok.

"Hoy! Kumain ka na ba? Gising ka muna, kumain ka." Napamulat ako matapos akong yugyugin ni Cali. "Ayos ka lang ba?" tanong pa niya sa akin pagkaupo ko na napahilot ako sa sentido ko. Tumango na lang ako dahil nakakaramdam ako ng pagkahilo.

"Okay. Aalis na ako, ah? Tumawag ka na lang kapag may kailangan ka." Paalala niya sa akin na tuluyan na s'yang lumabas ng condo.

Buti na lang ay may pagkaing iniwan si Cali kaya napagpasyahan ko na lang na kumain baka nga dahil lang sa gutom kaya ganito ang nararamdaman ko.

Pagkatapos kong kumain ay umayos naman ang pakiramdam ko kaya saglit akong nagpahinga para maligo. Nang matapos naman ako sa pagligo ay naalala ko si Sab kaya lumabas ako ng condo at pumunta sa sasakyan ko para kunin ang papel na pinagsulatan ni Sab ng phone number niya na natatandaan kong sa dashboard ko iyon iniwan. Pagkabalik ko sa condo unit ay agad ko itong kinontak.

To : 0948***7544
Hindi ka busy?

To : 0948***7544
Pwede ba tayong magkita?

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum