HIS: 43

46K 1.4K 219
                                    

Mapait akong ngumiti at sunod-sunod na tumango sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya para yakapin siya sa huling pagkakataon. Hindi naman siya umalma sa ginawa ko ngunit hindi niya ako niyakap pabalik.

Kumawala na ako sa pagkakayakap sa kaniya. “Siguro nga hanggang dito na lang ako. Sa kabila ng masasakit na nagawa mo sa akin, sa kabila ng pagtanggi mo sa nararamdaman mo para sa akin, sa kabila ng pangtataboy mo, naging totoo ang pagmamahal ko sa ’yo, Zayne. Sige, palagi kang mag-iingat, ah? S-Salamat sa ilang buwan na pinagsamahan natin. Salamat dahil tinanggap mo ako rito sa kompanya mo kahit saglit lang,” pagkatapos kung sabihin ito ay bumuntong-hininga muna ako bago tuluyang um-exit ng opisina niya.

Pagkagaling ko sa kompanya ni Zayne tumungo ulit ako ro’n sa bar kung saan do’n ko nakita si Sab. Gusto ko s’yang makausap para na rin makipag-ayos sa kaniya. Naiintindihan ko na ngayon, siguro ay nadala lang din ako nang galit no’ng gabing ‘yon kaya gano’n na lang ang nasabi ko sa kaniya.

Dito ko p-in-ark ang sasakyan ko malapit sa coffee shop kung saan kami nakapag-usap. Nanatili lang ako sa sasakyan ko habang aligaga akong lumilingon kung saan-saan baka sakaling dumaan siya.

Halos ilang oras na rin ang nagdaan ngunit hindi ko pa rin siya nasisilayan man lang. Kahit walang kasiguradohan ay tiniis ko na lang na manatili ako rito.

“Siguro ay gabi na siya dumadaan dito,” kinukumbisi kong pagkausap sa sarili ko.

Magdidilim na rin pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita kaya naman mas nilakasan ko ang loob ko at pagtitimpi.

Sumapit na ang alas-otso ng gabi nang mapagpasyahan kong ipagpabukas na lang. Hindi na rin naman siguro siya dadaan dito ng ganitong oras.

“Saan ka galing?” bungad sa akin ni Cali pagkauwi ko sa condo. Naabutan ko naman siyang nagwawalis sa sahig.

“Sa labas lang,” walang gana ko namang sagot, diretso ako sa kusina para kumuha ng tubig na iinumin.

“Ano namang ginawa mo sa labas ng ganito katagal?” pilit niyang pagtatanong.

Inubos ko muna ang ininom kong tubig na kinuha ko bago ko sinagot ang tanong niya. “Sinubukan ko lang na hintayin si Sab sa may bar na kinuwento ko sa ’yo kagabi, nagbaka-sakali ako na baka makikita ko siya ro’n,” paliwanag ko, “kaso ‘yon nga hindi kami nakapag-usap, hindi ko siya nakitang dumaan do’n.”

“Teka nga lang, kumain ka na ba? Kung hindi pa bibili muna ako ng pagkain mo.” Usisa niya na masyadong nag-aalala ang itsura.

“Hindi pa. Uhm . . . hindi na lang siguro, bukas na umaga na lang, hindi pa naman ako gutom,” pagdadahilan ko, wala kasi akong gana kumain.

“What?! No! Hindi puwedeng ‘di ka kumain. Paano ‘yang baby mo kung magpapalipas ka ng gutom? Kailangan healthy ka para maging healthy din na lalabas ‘yang magiging inaanak ko. Oh, advance na ako, ah? Magkalimutan na tayo kung ‘di mo ako kukuning ninang ng magiging baby mo.”

Nag-demand pa nga.

Pasimpleng tumango na lang ako at bahagyang ningitian siya. Katulad ng sinabi niya ay lumabas nga siya para bumili ng pagkain.

Napaupo na lang ako habang hinihintay si Cali. “Sorry, baby ah?” pagkausap ko sa magiging anak ko na dahan-dahan kong hinihimas ang t’yan ko. “Sorry kung magulo ang buhay ng mama mo ngayon, sorry kung hindi ko pa maramdaman ang saya na magkakaanak na ako, na darating ka na sa buhay ko. Hindi pa nga kita nailalabas ay puro sorry na agad ang nasasabi ko sa ’yo. Naalala ko pa na dati ay gustong-gusto ko magpaturo kay Zayne kung paano gagawa ng baby tapos ngayon ay nagkaroon nga ako. At sa pagkakataong ito ay siya rin ang magiging ama mo.

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Where stories live. Discover now