Chapter 43 - Part 1

7.9K 111 10
                                    

A/N: Nakailang ulit ako sa Chapter na 'to... Dumating sa point na ayaw ko nang ituloy. )):

____________________________________________

NAKATANAW sa malawak na karagatan ang babae mula sa balkonahe ng isang simpleng bahay sa baybayin. Tahimik ang lugar na iyon, isa sa mga dahilan kung bakit doon nila napiling tumira na mag-asawa, bukod pa sa pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay nila.

"Nanay," mula sa loob ng bahay ay lumabas ang isang batang-babae na may edad siyam na taong gulang.

"Maggie, anak..." Nakangiting sabi ni Karla dito.

"Wala pa po ba si tatay?"

"Nagugutom ka na ba? Pwede ka nang kumain. Ako na lang ang maghihintay sa tatay mo."

"Hihintayin ko na lang po siya... Sabay-sabay na lang tayong kumain. Birthday po ni kuya, di ba?"

Ngumiti si Karla. "Nakita mo ba sa mesa ang cake na binili ko sa bayan kanina?"

"Opo... Hindi po ba tayo magsisimba?"

"Pagkakain ng tanghalian... Gumayak ka na para hindi tayo hapunin."

"Ilang taon na po si kuya ngayon, Nay?"

"Twenty-two..." Nagkalambong ang mukha ni Karla.

Ang bilis lumipas ng panahon. Hindi niya akalaing ganoon na pala katagal. Dalawampu't-dalawang taon... Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na wala na si JR... Hanggang ngayon ay kinamumuhian pa rin niya si Don Manuel, dahil kung hindi dahil sa kasamaan ng matandang iyon ay hindi sana niya isinilang na walang buhay ang panganay nila ni Rommel.

"Ayan na si Tatay, Nay!" Tuwang nagtatakbo na pasalubong sa ama si Maggie.

Nahalinhan ng ngiti ang lungkot sa mukha ni Karla. Kumaway si Rommel sa kanya at gumanti siya ng kaway dito. Mukhang maraming huli ito. Salamat sa Diyos at kahit payak ang pamumuhay nila ay nakakaraos naman sila. Masuwerte pa rin silang maituturing, kahit hindi na sila makukumpleto kailanman.

_________________________________________________

DANIEL

HE felt tired and sore. Pasikat pa lang ang araw nang umalis siya sakay ni Fire, his six-year-old stallion. He rode from dawn till dusk. Hindi niya napansin ang oras. Kung hindi pa niya naramdaman ang pagbagal ng takbo ni Fire ay hindi pa siya makakaisip na umuwi. The beast was exhausted and he felt guilty... Nadadamay ito sa kagustuhan niyang pagudin ang sarili.

Sinigurado nyang napakain at napainom ito ng mabuti ng tao sa kuwadra bago niya iniwan. He walked on the gravel pathway that led to the house.

Nagsalubong ang mga kilay niya nang mapansin na madilim ang buong bahay. "Naputulan ba kami ng kuryente?" Tanong ng binata sa sarili.

Imposible. Paano silang mapuputulan ng kuryente eh pagaari ng mga Cervantez ang electric company na nagsu-supply ng kuryente sa bayang iyon?

Eh hindi ka naman Cervantez, DJ! Buska ng isip niya. Baka na-trip'an ni Don Mauel na putulan kayo ng kuryente... pa-birthday sa yo ng magaling mong lolo! Hahaha...

Natatawang umakyat siya sa limang baytang na hagdan ng entrada ng dalawang palapag na bahay. That house was a gift from Don Armando. Regalo sa kanya noong ika-labing-walong taong kaarawan niya.

Dinukot ni DJ sa bulsa ng maong niya ang susi ng bahay. Malamang na tulog na ang tiyuhin at si Jian at nakalimutang na sa labas pa siya kaya hindi nagiwan ng nakabukas na ilaw. Sinalakay na naman siya ng guilt. Alam niyang ipinaghanda siya ng mga ito pero sinadya niyang magpagabi ng uwi.

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon