CHAPTER 50

14 3 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Naalala ko noon na sa tuwing umaalis si Draken ay tuwang-tuwa naman talaga ako! Lalo na kapag matagal itong hindi umuuwi! Masayang-masaya naman talaga ako.


Pero ngayon kaibahan na ang nararamdaman ko......


Sa loob halos ng dalawang linggo na wala dito si Draken dahil sa seminar na dinaluhan nito ay sila Harushino at ang mga bago pang tauhan na kinuha ni Draken ang nakasama ko sa pagbabantay at sa pag aasikaso sa jewelry shop nito.


Kaya bukod sa nami-miss ko na ang kumag ay ningangatngat din ako dito ngayon ng matinding selos dahil kasama lang naman nito sa seminar na dinaluhan niya si Frida!


Bagama't sigurado na ako na wala ng pag asa pa si Frida kay Draken ay hindi ko parin maiwasan ang hindi mag selos dito! Tapos ni hindi man lang tumatawag saakin ang damuho para kamustahin ako o di naman kaya para sabihin kung kamusta na ba ang kalagayan nito?!


Kunsabagay may tiwala naman ako dito, dahil kung talagang gustong magloko ng lalaking yun ay matagal na sana nitong ginawa yun! Doon lang talaga kay Frida ako walang tiwala at baka kung ano ang maisip nitong gawin dahil sila lamang dalawa ni Draken ang magkasama!


Kung hindi lang talaga malaking tulong kay Draken ang seminar na dinaluhan nito ay nunca talagang papayagan ko ang damuho na yun na sumama kay Frida.


Sana umuwi na si Draken!


Frustrated na anas ko sa isip.


"Ang mabuti pa magsara na tayo ng shop, Daila." Narinig ko na sabi ni Harushino.


"Masyado pang maaga para magsara tayo." Walang kabuhay-buhay na sabi ko dito.


Sabay talumbaba pa sa harap nito.


"Pero mag a-ala sais na! Di ba mga ganitong oras nagsasarado na si Draken?" Anito.


Oo nga pala mga ganitong oras ay nagsasarado na kaming dalawa ni Draken.


"Fine." Matamlay na sabi ko.


Narinig ko na bahagyang tumawa si Harushino dito.


"Miss na miss mo na talaga si Draken ano?!" Tanong nito saakin pagkuwan.


Isang malalim na buntong hininga lang ang pinakawalan ko dito.


"Hay! Tignan mo nga naman si Daila Crono Maximoff! In love na in love na talaga ngayon sa lalaking minsan niyang kinabanasan! Iba talaga ang nagagawa ng kaway ng pag ibig! O pana ni kupido! Layuan mo ako!" Sabi nito sabay tingala pa.


Tuloy ay nagtawanan ang mga kasama namin dito sa shop.


The Exiled PrinceWhere stories live. Discover now