CHAPTER 47

7 3 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Mukhang wala nanga yata akong dapat pang ipangamba kay Frida dahil mukhang strictly business na lang ang mayroon silang dalawa ngayon ni Draken.


Bagama't hindi parin kami ayos nito dahil nagseselos marahil ito saakin ay civil naman ito kapag nagkikita kami sa jewelry shop ni Draken.


Hindi na rin ako nito iniinis at behave na behave ang bruha kapag tinitignan ko sila ni Draken.


Pero nawala man sa landas ko si Frida ay hindi parin maiiwasan na hindi ako mabanas sa ibang babaeng customer ni Draken na lantaran paring nagpapansin at nagpapa-cute dito!


Katulad na lang ng Stephanie na ito na kulay violet naman ang buhok!


Ayon kay Draken, masugid daw niyang customer ang babaeng ito! Galing daw ito sa mayamang pamilya sa mundong ito at simula ng magbukas daw ang jewelry shop ay naging suki na daw talaga niya ang hitad na ito!


Isa daw sa pinaka marami kung bumili ang babaeng ito ng alahas sa kanya, kaya kailangang maging maayos ang pakikitungo niya dito!


Naiintindihan ko naman yun kaso nababanas at nagseselos parin talaga ako eh!


Sa katunayan kanina pa nga ako naasar dito habang pinapanood ko ito na tumatawa at tila ba kilig na kilig sa tabi ni Draken.


Panay pa ang hampas at hawak nito sa braso ni Draken! At kung minsan pasimple pa nitong tinatapik-tapik ang hita ng damuho!


Kaunting-kaunti na lang talaga at ingungudngod ko sa sahig ang mukha ng babaitang ito!


Nakuuuuu! Kung hindi lang masisira ang business ni Draken ay talagang sasamain saakin ang mga babaeng customer nito na lalandi dito!


At para maiwasan ko ng gawin ang bagay na iyon ay minabuti ko na lang na layasan na ang mga ito.


Nagpupuyos na lang ang loob na pumasok na ako sa loob ng malaking vault ng shop para tignan nalang ang mga bagong supply na pinadala sa shop nito.


At para maayos na rin yung mga alahas na in-order ng mga bagong customer ni Draken.


Kahit papaano lumalamig na rin ang ulo ko lalo na ng makita ko ang mga alahas na pinagawa ng mga customer ni Draken sa kanya.


Ang gaganda naman talaga ng mga yun!


Lalong lalo na yung mayroong mga mamahaling bato na kasama!


Ano kaya ang feeling na mag suot ng ganito? Never pa kase akong nagsuot ng mga mamahaling alahas dahil hindi ko tinatanggap noon ang mga alahas na katulad ng mga ito na binibigay saakin noon ni Draken.

The Exiled PrinceWhere stories live. Discover now