CHAPTER 4

17 6 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Mainit talaga ang klima dito sa kontinente ng Solteroz.


Bagama't mayroon mang hangin akong nararamdaman ay hindi parin sapat iyon para mapawi ang init na nararamdaman ko.


Kaya naman para talagang isang tukso na tila ba inaanyayahan akong maligo at lumangoy sa malawak at talaga namang napakalaking swimming pool ng palasyo nila Leonard.


Wala naman sigurong masama kung lalangoy ako diyan sa swimming pool nila Leonard di ba?


Tanong ko sa isip ko sabay ngiti ng malawak.


Sasamantalahin ko na ang pagkakataong makalangoy sa malaking swimming pool na ito habang wala sila Draken dito sa palasyo.


Kasalukuyan kasing abala ang lalaking iyon sa paghahanap pa ng mga karagdagang makakasama sa hukbo nito.


At talagang sumama pa ito sa paghahanap, para siguro mas makahikayat pa ito ng mga mauuto nitong nilalang.


Knowing Draken.....


Magaling ding mang uto ang lalaking iyon!


Alright Daila! Just for once! Samantalahin mo na ang pagkakataong ito para makapag enjoy ka naman kahit sandali lang!


Sabi ko sa sarili ko.


Pagkuwan ay nagmamadali akong bumaba para pumunta sa may swimming pool.


"Lady Daila, saan po kayo pupunta?" Nagtatakang tanong saakin ni Irizandy ng makasalubong ko ito.


Kasama nito ang mga kasamahan niyang mga damaja dito.


"Maliligo lang ako sandali sa may swimming pool. Matagal na rin kase akong natutukso na lumangoy doon, kaso hindi matuloy-tuloy dahil maraming mga asungot sa paligid." Sagot ko dito.


Nakita ko kung papaano manlaki ang mga mata nila Irizandy sa sinagot ko.


"Naku po Lady Daila! Baka po magalit si Prince Draken kapag nalaman niyang-----"


"Irizandy! As long as na walang mag sasabi sa kanya ay hindi siya magagalit!" Mabilis na putol ko sa mga sasabihin pa nito. "Unless na lang kung isusumbong ninyo ako?" Dugtong ko.


Nakita ko na alanganing nagsipag-iling ang mga ito sa harap ko.


"Kaso nga lang Lady Daila----"


"Thank you!" Masayang sabi ko sabay talikod na sa mga ito.

The Exiled PrinceWhere stories live. Discover now