CHAPTER 29

12 5 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Mukhang tapos na rin sa wakas sila Draken at Driscol sa pagsasanay ng magbalik narin ang mga ito sa dati nilang anyo mula sa pagiging anyong lobo kanina.


Halos isang oras at kalahati din ang tinagal ng pagsasanay nila.


Kaya naman naantala ang pamamasyal na gagawin sana namin kanina ni Driscol dahil niyaya ito ni Draken na mag training. Sa tuwing pupunta kase dito si Draken ay palagi talaga nitong sinasanay si Driscol.


Gusto daw kase nitong maging malakas at matapang ang pamangkin niya kaya habang bata pa daw ito ay kailangang matuto na ito kaagad kung papaano nito makokontrol ang kapangyarihan niya at ang pagiging isang itim na lobo katulad ng mga lolo nito at maging ng kanyang ama na si Prince Dirk.


Sa totoo lang hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na magiging malapit si Draken kay Driscol ng ganito.


I was expecting na kapag nalaman nito na nagkaroon ng anak si Prince Dirk kay Princess Dallas ay gagawa nanaman ito ng kademonyuhan para lang mabura sa mundong ito ang isang panibagong itim na lobo na anak pa talaga ng mortal nitong kalaban.


Kaya nga halos gawin na ni Princess Dallas ang lahat noon para lang huwag malaman at mahalata nila Draken ang pagbubuntis nito.


Naroroong magsusuot ito ng mga makakapal na damit para mapagtakpan ang tiyan nito na salamat at hindi naman gaano kalakihan kung magbuntis si Princess Dallas.


Siyempre nagtataka din si Draken noong una kung bakit makapal kung manamit ang kapatid niya, samantalang bilang isang Wulfric ay hindi naman ito tinatablan ng matinding lamig dito sa Wolveroz para magsuot ito ng mga ganoong kakapal ng damit dito.


Hanggang sa ito na rin ang nag isip na baka trip lang talaga ng kapatid nito ang manamit ng ganoon.


Sabi pa nga ni Draken ay may pagka-weird daw talaga si Princess Dallas na kung minsan ay hindi daw talaga nila maunawaan ang trip nito sa mundo kaya hayaan na lang ito.


Isa pa sadyang wala talagang mag iisip na buntis noon si Princess Dallas dahil parang normal parin ang dating nito. Naroroong sumasama parin ito sa laban at kung minsan ay nakikipaglaban parin ito kahit malaki na ang tiyan nito kaya nga ako ang natatakot sa mga pinag-gagawa nito noon!


At mukhang totoo nga yata ang mga kasabihang naririnig ko noon na kapag nagbuntis ang mga Novalian lalo na ang mga royal blood ay himbes na pumangit ay mas lalo lang daw gaganda ang mga ito.


Dahil noong nasa kasagsagan ng pagbubuntis si Princess Dallas ay napakaganda parin nitong babae na akala mo ay dalagang dalaga pa pero malapit na palang maging ina.


Kaya nga sa kabila ng mga kalokohan nito at pagiging childish ay malaki parin ang paghanga ko dito. Kaya nga habang tumatagal na nakakasama ko ito ay mas lalo ko lang nasasabi na marapat nga na ito ang babaeng mahalin ni Prince Dirk.

The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon