CHAPTER 49

7 3 0
                                    



Oma Valeska Caelan Wulfric POV


"Salamat po, Diyos ko!" Masayang usal ko matapos kong basahin ang sulat na natanggap ko mula kay Harushino.


Ayon sa sulat nito ay nagkakamabutihan na daw sila Draken at Daila. Bukod pa doon ay sinabi din ni Harushino sa liham nito na mahal na mahal na ni Daila ang anak ko sa wakas!


Mukhang sa pagkakataong ito ay magiging masaya na rin ang anak ko na si Draken!


Masayang anas ko.


Bilang isang ina ay mahalaga saakin ang kaligayahan ng mga anak ko.


Kaya naman kahit hindi ko gusto si Daila dahil sa nakita kong ginagawa nitong pananakit sa loob ng anak ko noon ay sumugal parin ako at binigay ko parin ito kay Draken.


Sa totoo lang ay wala talaga akong balak na ipaalam kay Daila kung nasaan naroroon si Draken, dahil sa totoo lang ay ano ba ang point kung malalaman nito kung saan man naroroon ang anak ko?


Hindi ba't wala naman itong pakialam kay Draken? At alam ko rin ang ginawa nitong hiling kay Diland na alisin siya sa ala-ala ni Draken para hindi na siya nito makilala.


Sa ginawa nitong iyon ay pabor naman ako para hindi na masaktan si Draken sa oras na malayo na siya dito. At para naman makahanap na rin ito ng ibang babaeng mamahalin nito at magmamahal din sa kanya na hindi nagawa ni Daila.


Pero sa kabila ng galit at inis ko kay Daila dahil sa ginagawa nitong pananakit sa loob ng anak ko ay nauunawaan ko naman kung bakit hindi nito magawa-gawang mahalin ang anak ko.


Sa loob pala ng maraming panahon ay hindi ko alam ang totoong pinagdaanan nito sa kamay ni Draken.


Kung hindi pa sinabi saakin ni Dirk noong kasama pa namin ito sa Iceforth ay hindi ko pa malalaman na biktima lang din si Daila ng kasamaan ni Desmond noong nasa ilalim pa ng kontrol nito ang anak ko.


Kaya labis man ang inis at galit ko kay Daila ay para bang nawala yun bigla ng malaman ko nga ang totoong nangyari dito.


And I felt ashamed to myself dahil isa rin ako sa nagpahirap sa buhay nito noon.


Ang buong akala ko kase ay isa itong masama at ambisyosang babae na gusto lamang gamitin at manipulahin si Draken.


Yun pala ay ito ang minanipula ng anak ko para lang mahalin siya ni Daila.


Kaya nga ng sabihin saakin ni Diland ang tungkol sa hiling na ginawa sa kanya ni Daila ay sinabi ko kay Diland na mukhang iyon nanga lang ang marapat na mangyari para parehas ng maging tahimik at makapagsimula ng bagong buhay sila Draken at Daila.


Knowing my son.


Mahal na mahal talaga nito si Daila kaya hindi talaga nito makakaya kung mahihiwalay siya dito. Dahil halos ang dalaga nanga ang naging mundo nito simula ng makilala at mahalin niya ito.

The Exiled PrinceWhere stories live. Discover now