CHAPTER 32

12 5 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


"O! Lady Daila, bakit hindi pa po kayo nakabihis? Malapit na po kayong umalis nila Princess Dallas at Prince Driscol niyan!" Sabi saakin ni Irizandy ng pumasok ito sa loob ng kuwarto ko at makita nitong hindi pa ako nakabihis.


Isang malalim na buntong hininga tuloy ang pinakawalan ko bago ko ito sinagot.


"Hindi ako sasama, Irizandy. Nasabi ko na yun kay Princess Dallas kaya huwag kanang makulit diyan." Sagot ko dito.


Pagkuwan ay muli kong binalik ang atensyon ko dun sa binuburda ko.


"Pero, Lady Daila! Kailangan mong sumama ngayon dahil gusto kang kasama nila Prince Driscol. Sa katunayan nga po ay hinahanap na kayo ng munting prinsipe. Tiyak hindi po yun mapapakali kapag hindi niya kayo kasama." Sabi nito.


Natigilan ako.


Pagkuwan ay naalala ko na hindi nga pala komportable si Prince Driscol kapag hindi niya kami kasama ni Princess Dallas.


Last year kase ay hindi naman ito isinama ni Princess Dallas sa birthday party ni Draken kaya naman nagkaroon ako ng dahilan noon para hindi um-attend sa party ni Draken dahil nag alibi ako na walang magbabantay kay Prince Driscol noon.


Pero ngayon ay isasama na ni Princess Dallas si Prince Driscol sa kasiyahan ayon na rin sa utos ni Draken dito.


Gusto daw nitong makasama ang pamangkin nito sa araw ng kaarawan niya.


Siyempre kilala ko si Draken na mayroong hidden agenda sa bagay na iyon. Kapag sumama nga naman si Prince Driscol sa kasiyahan ay automatic na ring sasama ako sakanila.


"Well ngayon lang naman ako mahihiwalay kay Prince Driscol, Irizandy. And besides..... Kasama naman niya si Princess Dallas kaya walang magiging problema. Tiyak ako na magiging komportable parin ang munting prinsipe kahit na wala ako sa tabi niya." Sabi ko.


Pero ang totoo ay hindi rin ako komportable sa ideya na mahihiwalay ako ng sandali sa munting prinsipe. Kumbaga parang nakasanayan ko na talaga na palagi akong nasa tabi nito para masiguro palagi na ligtas ito.


Ang kaso ay hindi ko talaga gustong mag punta sa party na iyon! Lalo na ang makita ngayon si Draken sa ganitong estado ng nararamdaman ko dito. Until now kase ay naguguluhan parin ako sa naging tugon at naramdaman ko dito ng araw na iyon na mag punta ito dito at-----


O hayan ka nanaman eh! Babalikan mo nanaman ang araw na iyon kaya ka hindi maka move on-move on diyan!


Sermon saakin ng isip ko.


"Sayang pa naman ang dress na pinadala sainyo ni King Draken, Lady Daila. Ang ganda-ganda pa naman!" Nanghihinayang na sabi nito.


Kaya tinignan ko ito ng masama para tumigil na ito at mukhang effective naman ang ginawa ko.

The Exiled PrinceWhere stories live. Discover now