CHAPTER 31

8 4 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Hanggang ngayon ay malungkot at hindi parin ako makapaniwala sa pagkawala ng pamilya at ng angkan ko.


Sa isang iglap ay bigla na lamang silang kinuha saakin ng kung sino mang nilalang ang tumapos sa buhay nila.


Wala naman akong magawa kundi ang umiyak na lang at ipagdasal palagi ang kaluluwa nila dahil kahit anong gawin ko para makita mula sa mga bituin kung sino ang tumapos sa buhay nila ay hindi ko talaga makita ang sagot mula sa mga bituin na siyang gumagabay saakin para malaman ko kung ano ang mga kasagutan na kailangan ko.


Kaya sa malamang ay baka makapangyarihang nilalang ang may kagagawan nun sa kanila! Kaya siguro hirap ang mga bituin na sagutin ang mga katanungang kailangan ko sa kanya.


Pero bakit?


Bakit kailangang tapusin niya ang buhay ng pamilya ko pati na rin ang buhay ng ng angkan ko?! Wala naman akong natatandaan na may ginawang masama at kasalanan ang mga ito noong nabubuhay pa sila.


Mabubuti silang mga nilalang na handang tumulong sa mga nangangailangan!


Tapos ganoon pa ang kasasapitan nila?!


Dapat ba ay hindi ko sila iniwan? Kung sakale ba na hindi ko tinupad ang pangarap ko na maging isang orakulo ay hindi ba ito mangyayari?!


Pero ang sabi saakin ng punong babaylan ay may dahilan daw ang lahat kung bakit ito nangyayari. Kasama daw ito sa mga pagsubok na haharapin ko, kumbaga nag uumpisa palang ang tadhana para subukan ang katatagan ko!


Kaya ngayon palang ay natatakot ako kung ano pa ang sunod na kalbaryo ang kakaharapin ko. Dahil ngayon pa nga lang ay hindi ko na makaya pa ang sakit ng pagsubok na ito saakin! Paano pa kaya ang mga darating na pagsubok na sinasabi saakin ng punong babaylan!


May kinalaman kaya iyon sa tagapagligtas na kailangan kong protektahan?


Hindi ko na alam!


"Malungkot ka nanaman?"


Napapitlag ako ng bigla kong marinig ang baritonong boses ni Prince Draken mula sa may likuran ko.


Mabilis ko itong nilingon at nakita ko ulit ang maaliwalas na ngiti nito na palagi nitong pinapakita saakin sa tuwing nagkikita kami nito or mas tamang sabihin sa tuwing pumupunta ito dito sa templo.


Simula ng pinuntahan nila ako ng ina nito na si Queen Oma Valeska ay palagi na itong nagpupunta dito para dalawin at kamustahin ako.


Kung nagkataon lang siguro na hindi ito Prinsipe at anak ni King Diland ay nunca na makita at makausap ako nito ng ganito. Mahigpit kasing pinagbabawal saaming mga orakulo ang makipagkita at makipag-usap ng basta-basta sa mga nilalang lalong lalo na sa mga lalaki.

The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon