CHAPTER 9

12 7 0
                                    



Draken Aldrous Wulfric POV


Bata palang ako ay si Lolo Desmond na talaga ang kakampi ko.


Kaya nga ng mawala na lang ito bigla ay talaga namang nalungkot ako dahil ito nanga lang ang nag iisang naniniwala na ako naman talaga ang karapat-dapat na mamuno sa Wolveroz kahit na hindi ako ipinanganak na isang itim na lobo.


Hanggang sa isang araw ay nagulat na lang ako ng muli itong magbalik ngunit nasa loob na ito ng isang libro na katulad eksakto ng pinaka makapangyarihang libro sa buong kalawan.


Ang Salvatorie book na pag aari dati ng mortal nitong kalaban na ngayon ay nasa kamay na rin siguro ng apo nito na si Dirk.


Pero ang sabi ni Lolo Desmond ay wala naman akong dapat na ipangamba kahit na nasa kamay na iyon ni Dirk dahil kaya naman nitong tapatan yun ng lakas na mayroon siya ngayon.


Kaya masasabi ko na matalino talagang nilalang ang Lolo Desmond ko dahil nagawa nitong maisahan ang mortal nitong kalaban ng kopyahin nito ang libro na yun ngunit ang naging kapalit ng ginawa nitong yun ay nakulong ang kaluluwa nito sa loob ng libro.


Kung kaya't nangako ako sa Lolo Desmond ko na gagawin ko rin ang lahat para mabalik ulit sa normal ang buhay nito pag natapos na ang lahat ng mga kailangan naming gawin.


Yun ay ang mapabagsak ang lahat ng mga humahadlang saamin.


Kaunting panahon na lang siguro ang kailangan nitong tiisin lalo na't umaayon na sa mga plano naming dalawa ang lahat!


At hindi lang yun, kaunting tiis na lang din ang kailangan kong hintayin at mapapasaakin na rin ng tuluyan ang Wolveroz at ang trono na pinagkait saakin ni Diland!


Mapapatunayan ko na rin sa kanya na karapat-dapat din naman ako na maging hari ng Wolveroz, kahit nanga ba hindi ako isinilang na itim na lobo na mayroong taglay na asul na asul na mga matang umiilaw na katulad sa kanilang dalawa ni Dirk!


Kung binigyan mo lang sana ako ng pagkakataon ay na napatunayan ko sana sayo na karapat-dapat din naman akong maupo sa trono mo! Hindi na sana tayo umabot pa sa ganito..... Ama ko!


Usal ko sa isip.


Pagkuwan ay bigla akong nakaramdam ng matinding lungkot ngayon ng mayroon akong maalalang tagpo mula sa nakaraan.......


"Heya mga bros! Tignan nyo at mas malaki ang nahuli kong stag kesa sainyo!" Masayang pagyayabang na sabi ni Davis saamin bitbit ang stag na nahuli nito.


"Asus! Panis yang stag mo Davis! Mas malaki kaya yung nahuli namin sayo noh!" Halos magkasabay na sabi naman ng kambal na sila Daltimor at Detroit dito na magkatulong na binibitbit ang stag na nakuha nila na mas malaki naman talaga sa stag na nahuli ni Davis.

The Exiled PrinceWhere stories live. Discover now