CHAPTER 48

6 3 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Matapos naming magsalong dalawa ni Draken sa isang mainit at matamis na halik sa ilalim ng malakas na dagundong ng kulog at kidlat na sinabayan pa ng malakas na buhos ng ulan ay para kaming mga batang naglaro pa doon.


Tawa ako ng tawa habang naghahabulan kami nito sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan.


Sa loob ng mahabang panahon na lumipas, ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong klase ng kasiyahan sa buhay ko!


Ang buong akala ko talaga hindi ko na ulit mararamdaman ang ganitong klase ng pakiramdam!


Pero nagkamali pala ako.


Sa sobrang saya naming dalawa ni Draken ay hindi nanamin halos napansin na naririto na pala kami sa harap ng bahay nito.


Basang basa kaming dalawa ng pumasok kami sa loob.


"Para tayong mga basang sisiw!" Natatawang sabi ko.


Nakita ko na sumenyas ito na huwag kaming maingay at baka magising ang mga kasama naming tulog na kapag ganitong oras.


Nakagat ko tuloy ang ibabang labi ko habang ngumiti naman ito.


"Ang mabuti pa ay maligo na tayong-----"


Bago ko pa matapos ang sasabihin ko dito ay binuhat na lang ako nito na para bang mga bagong kasal kaming dalawa ngayon.


-Music Background: Salted Wound by Sia-


"Ano nanamang drama ito ha?!" Natatawang bulong na tanong ko dito.


Hindi ito sumagot at bagkus ay ngumiti lamang ito ng makahulugan saakin.


Natahimik ako ng mapagtanto ko na dadalhin pala ako nito sa loob ng kuwarto nito.


Naramdaman ko tuloy bigla na para bang bumilis ang tibok ng puso ko hindi dahil sa takot! Mas tamang sabihin na para bang na-excite ako!


Tuloy kahit na basang-basa kami nitong dalawa ay himbes na lamigin at ginawin na ako dito ay kabaligtaran na tuloy ang nararamdaman ko!


Mas lalo akong na excite ng buksan nito ang pinto ng kuwarto niya at pumasok na kami sa loob nun.


At ng masara na nito ang pinto ng kuwarto nito ay doon pala ako nito pinagpasyahang ibaba.


"What's next?" Pilyang tanong ko dito kahit na alam ko naman kung ano ang eksaktong gusto nitong mangyari ngayon.


At sa totoo lang? Gusto ko rin kung ano ang eksaktong gustong gawin ni Draken.


The Exiled PrinceWhere stories live. Discover now