CHAPTER 34

9 4 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


"Aba! Mukhang natututo kana talagang mag bake, Lady Daila!" Humahangang sabi ni Irizandy habang pinagmamasdan nito ang strawberry cheese cake na ginawa ko.


"Magaling kasing magturo si Princess Dallas kaya mabilis akong natuto. Sana lang ay masarap itong cake na ginawa ko para naman magustuhan ito ni Prince Driscol." Sabi ko.


Pagkuwan ay nakaramdam ako ng lungkot para dito kaya maski na si Irizandy ay bigla ding nalungkot katulad ko.


"Kawawa naman po si Prince Driscol noh?! Miss na miss na po talaga niya si Princess Dallas!" Pagkuwan ay sabi ni Irizandy.


"Natural lang na ma-miss ng munting prinsipe ang kanyang ina, Irizandy. After all baby pa yang si Prince Driscol." Sabi ko.


"Oo nga po, Lady Daila. At kawawa din si Princess Dallas, kase ni hindi man lang niya maalagaan ng maayos ang anak niya dahil palagi siyang abala sa pakikipaglaban!" Sabi nito sabay buntong hininga ng malalim.


"Kaya nga habang wala siya dito ay tayo na muna ang bahala sa munting prinsipe." Sabi ko.


Pagkuwan ay tinignan ko ang ginawa kong cake.


Naisipan kong gawan ng strawberry cheese cake si Prince Driscol para naman kahit papaano ay mapagaan ko ang loob nito.


Nowadays kase ay naging malungkutin ito dahil sobra na nitong nami-miss si Princess Dallas!


Halos dalawang buwan at kalahati na rin kasing hindi umuuwi si Princess Dallas dito sa Rivermist.


Samantalang pinakamatagal na ang isang buwan noon tapos ay uuwi na ito para mag stay dito kahit mga ilang araw lang para magkasama silang mag ina.


Pero ngayon mukhang wala pa yatang balak si Draken na pauwiin ang kapatid nito kahit isang beses lang para magkita ang mag ina!


Sa palagay ko ay iyon ang parusa ni Draken sa kapatid nito pagkatapos ng ginawa nitong kalokohan noong araw ng birthday ni Draken.


Kung saan ginawan ito ni Princess Dallas ng isang malaking cake.


Hanggang ngayon ay tandang-tanda ko parin kung ano ang mga nangyari ng araw na iyon.


Kung saan masayang kinain ni Draken yung cake na gawa ng kapatid nito.


And to his surprise ay may kalokohan palang ginawa si Princess Dallas sa cake nito na mukhang masarap pero yun pala ay sangkatutak na maraming durog na pulang sili ang nakahalo sa cake nito ng hindi nito nalalaman!


At base sa itsura ng sili na nakita sa cake ni Draken ay iyon daw ang pinaka mabagsik at maanghang na sili sa buong Novaliz ayon kay Maestro Rufan!

The Exiled PrinceWhere stories live. Discover now