CHAPTER 46

4 2 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Nauna ng matulog saakin sila Maestro Rufan at Harushino na mukhang nainip na sa kakahintay sa pag-uwi ni Draken.


Katulad ko ay banas na banas din ang mga ito ng malaman nila na sa dinner date pala pupunta si Draken at hindi lang basta business matter katulad ng sinabi nito.


Siyempre ako ang nagsabi sa mga ito na sa dinner date ito pupunta sa sobrang inis ko kay Draken ng makita ko na kuntodo ayos pa bago umalis ng bahay!


Talagang sinigurado pa nito na poging-pogi siya at mabangong-mabango! Letse!


Kaya heto ako ngayon, gising na gising parin habang patuloy paring naghihimutok ng mag isa dito.


Kung hindi lang sana ako nalulungkot at naiinis dito ngayon ay baka hinangaan ko pa ang mga naglalakihang bituin sa langit na nakikita ko ngayon.


Maski na yung dalawang buwan na nakikita ko ay kahanga-hanga din pagmasdan.


Isang full moon at isang cresent moon!


Naku! Kung nandito lang siguro si Driscol ay matutuwa yun kapag nakita nito ang mga naglalakihang stars at ang dalawang kakaibang moon na ito!


Anas ko.


Pagkuwan ay lalo lang yata akong nalungkot dito.


Sa totoo lang kase ay nami-miss ko na talaga ang munting prinsipe.


Gustong-gusto ko na talaga itong makita pero wala lang talaga akong lakas ng loob na magpakita dito.


Tapos ganito pa ka frustrated ang sitwasyon ko sa mundong ito.


Gaano man kaganda at kakaiba ang mundong ito ay hindi naman ako makapag-enjoy man lang dito dahil nasasaktan naman ako sa tuwing nakikita ko na masaya si Draken kapag kasama nito yung impakta na si Frida!


At bukod pa kay Frida, marami ding mga babae sa mundong ito ang nagkakagusto at nagkakandarapa dito.


Sa katunayan karamihan pala sa mga customer nito sa jewelry shop niya ay puro babae!


Kaya naman sa inaraw-araw ng buhay ko ay palagi na lang akong ningangatngat ng selos!


Pero pinaka bonga lang talaga ay yung kay Frida!


Hindi ko talaga gusto ang hilatsa ng bruhildang babaeng yun! Lalo na ang natural na pink nitong buhok!


Sa mundong ito kase ay kakaiba ang kulay ng buhok ng mga nilalang dito. Napaka colorful naman talaga sa mundong ito kaya siguro madali lang talaga mapapansin ang isang katulad ni Draken dito na itim na itim ang buhok!

The Exiled PrinceWhere stories live. Discover now