CHAPTER 13

10 5 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Parang tumigil bigla ang pagtibok ng puso ko ng makita kong halos maligo na sa sarili nitong dugo si Draken!


Na bagama't labis na itong nanghihina at hindi na makakilos ng maayos ay nagawa parin nitong tignan ako na may kasiyahan sa mga mata nito sa muling pagbabalik ko!


Hangal ka talaga, Draken!


Kamuntikan na akong mapasigaw ng makita kong halos mapadapa na ito sa may sahig kaya wala na akong inaksaya pang panahon at mabilis akong tumakbo palapit dito para saluhin ito.


Kaya halos mapuno na rin ako ng dugo nito at ang damit pangkasal na suot ko.


"Draken?!" Tawag ko dito.


Hindi ko na pala namamalayan na umiiyak na pala ako, habang inaalog-alog ko ang katawan nito ngayon.


Pero wala akong nakuhang sagot mula kay Draken kaya mas lalo akong binalot ng matinding takot at kaba sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan kung bakit ko nararamdaman iyon?!


Hindi ba dapat maging masaya ako ngayon na makita itong ganito?


Dahil sa oras na mawala na ito sa landas ko ay tuluyan na akong magiging malaya dito!


Pero bakit iba ang nararamdaman ko? Bakit hindi ko gustong makita sa ganitong kalagayan si Draken?!


"Daila." Para akong binuhusan bigla ng isang malamig na tubig ng marinig kong tinawag ako ni Prince Dirk na halos makalimutan kong nandito rin pala ngayon.


Kaya naman mabilis na nalipat dito ang atensyon ko at halos manghina ulit ang pakiramdam ko ng makita ko na matapos nitong bumalik din sa dati nitong anyo ay matindi rin pala ang tinamo nitong pinsala sa naging laban nilang dalawa ni Draken!


But unlike kay Draken at sa iba pang mga Wulfric ay walang kakayahan si Prince Dirk na mapaghilom ng kusa ang mga sugat nito, at kakailanganin talaga nitong magamot sa lalong madaling panahon dahil hindi nito nakuha ang kakayahan ng ama nitong si Prince Dyrion na isang Wulfric, dahil mas nakuha ni Prince Dirk ang traits ng ina nito na si Lady Diana na isang Salvatorie kaya ganoon ang sistema nito.


Kaya naman dali dali kong binitiwan si Draken na alam kong magiging maayos din ang lagay nito dahil sa natural na ability ng katawan nito na mapaghilom ang mga sugat na natamo nito, isa pa'y nandyan naman ang mga tauhan nito para asikasuhin ito.


Samantalang si Prince Dirk ay nag iisa lamang at walang tutulong dito, kaya naman nilapitan ko ito kaagad.


Wala na akong pakialam kung ano ang isipin ng mga nilalang sa paligid kung bakit ko ito nilapitan samantalang kaaway itong mortal nila Draken!


Kumbaga bahala na! Dahil mas mahalaga saakin ang kaligtasan ni Prince Dirk ngayon!


The Exiled PrinceWhere stories live. Discover now