CHAPTER 2

23 7 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Sa loob ng maraming taon na mabilis na lumipas simula ng tumakas kami nila Draken sa Wolveroz ay wala na kaming ginawa kundi ang patuloy paring tumakas at magtago.


At saan ba ang perfect destination para makapagtago ito at hindi kaagad mahuli ng ama nito at ng batas ng mundong ito?


Well the answer is....?


Sa Solteroz lang naman kung saan ito ang pinaka malaking kontinente sa mundong ito kaya perpect hideout talaga ang kontinente na ito para kela Draken.


Sa laki ba naman nito ay mahihirapan nga naman talaga ang lahat na hanapin ito ng basta-basta. Unless kung gagamit sila ng magic?! pero sa tingin ko ay iyon ang pinaka huling bagay na gagawin nila dahil hindi rin naman basta-bastang nilalang ang hahanapin at huhulihin nila.


After all ay dati paring kabilang sa The Eight si Draken!


Kaya nga pabor na pabor talaga dito ang manatili sa kontinenteng ito, kahit nanga ba si King Niros na ang bagong pinuno ng kontinenteng ito at hindi na si Lady Diana na kasapakat din nito sa pagtataksil sa mga sariling kadugo nila.


But unlike sa sitwasyon ni Draken.


Mas masuwerte parin si Lady Diana sa kanya dahil ngayong hawak na ito ng anak nito na si Prince Dirk ay malaki ang tiyansa na makaligtas ito sa mabigat na parusa na maaaring ipataw dito kasama na ang mga taksil na sila Draken.


Sa laki kase ng kasalanang nagawa nila ay marapat lamang na maparusahan silang lahat.


Pero siyempre, sa parte ni Prince Dirk ay hindi nito hahayaan na maparusahan ang pinakamamahal nitong ina si Lady Diana.


Hindi ko nga lang alam sa parte ni King Diland kung hahayaan din ba nito na maparusahan ang panganay nitong anak na si Draken at ang isa pa nitong anak na si Dathor na kumampi sa Kuya nito!


Unless nalang kung wala na itong pakialam sa mga anak nito?!


Kunsabagay.


Parang wala naman talaga itong pakialam sa mga anak niya.


No wonder kung bakit ganito ang kinabagsakan ng panganay nito at ng isa pa nitong anak na kumampi sa Kuya nito.


Kaya kung sakale man na mahuli nanga sila Draken ay nakakasigurado ako na mabigat ang parusang kakaharapin nito kasama na rin ang mga traydor na tumalikod din sa pamumuno ni King Diland.


Pero ang malaking tanong nanga lang ay kung mahuhuli nga ba nila sila Draken? Lalo na't mayroon itong mga bagay na maaari nitong magamit sa oras na maipit ito.


Kaya nga wala din akong choice kundi ang pagtiisan ang damuho na yun para masiguro na hindi niya magagamit ang mga bagay na pinanghahawakan niya na maaari nitong magamit laban sa ama nito at kay Prince Dirk!

The Exiled PrinceWhere stories live. Discover now