CHAPTER 22

7 4 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


"Now speak!" Utos ni Princess Dallas saakin.


Base sa nakikita kong reaksyon sa napakaganda nitong mukha ay halatang nababanas at galit din ito saakin. Hindi ko naman ito masisisi kung ang tingin din nito saakin ay isang kaaway sa ngayon.


Dahil sa oras na masabi ko na dito ang lahat ng mga sinabi at ibinilin saakin ni Prince Dyrion ay walang pagpipilian si Princess Dallas kundi ang pagkatiwalaan lang ako, dahil ako lang ang susi ng kaligtasan niya at ng anak nilang dalawa ni Prince Dirk na ngayon ay nasa sinapupunan na niya.


At katulad nga ng sinabi saakin ni Prince Dyrion ay parang wala ngang alam ito sa kalagayan niya ngayon.


"Nandito ako para hikayatin kang sumama saamin, Kamahalan." Umpisang sabi ko dito.


Nakita ko na mas lalo lang nagalit ang maganda nitong mukha na ano mang sandali mula ngayon ay para bang gusto na ako nitong ibato pabalik sa lunga ni Draken!


"Ang lakas talaga ng loob mo para hikayatin pa akong sumama sainyo ng kapatid kong ulol!" Galit din na sabi nito. "Kung gusto mo pang mabuhay at makabalik saang mang lupalop naroroon ang kapatid kong kulang lang sa pansin ay umalis kana sa harapan ko, pwede ba?! Dahil sinasayang mo lang ang-----"


"Listen to me! Kailangan mo talagang sumama saamin, Kamahalan!" Putol ko dito para ulitin ang nauna kong sinabi dito. "Alam ko na mahirap para sayo na paniwalaan ang mga sasabihin ko pero totoo ito kaya makinig kang mabuti!" Patuloy ko. "Sa maniwala ka man saakin o hindi ay hawak ni Draken ang buhay mo, Kamahalan." Dugtong ko.


Nakita ko na parang natigilan ito sa narinig nito.


Kaya naman muli kong pinagpatuloy ang sasabihin ko pa dito.


" Nakay Prince Draken ang puso ni Prince Dyrion na siyang ginagamit niya upang pahinain ka. Nasakanya ang alas kung papatayin ka niya tulad ng napagusapan nila ni Queen Diana."


Nakita na muli itong natigilan.


Pagkuwan ay sumalamin sa magandang mukha nito ang iba't ibang klase ng emosyon. Naroon ang galit, gulat at higit sa lahat..... Takot!


"No!" Sa wakas ay sabi nito ng tila ay makabawi na ito. "H-Hindi ako naniniwala sayo! Ginagawa mo lang ito dahil inutusan ka ng kapatid ko na-----"


"Bakit hindi mo gamitin saakin ang Zeus Eye mo, Kamahalan?" Hamon ko dito.


Dahilan para magsukatan kaming dalawa ng tingin.


"Alam ko na mahirap paniwalaan ang lahat ng mga sinasabi ko sayo pero totoo ang mga iyon, Kamahalan! Ang tanging paraan na lang na maaari nating gawin sa ngayon ay sumama ka saamin at magpanggap sa kapatid mo na kakampi ka sa kanya. Sa pamamagitan nun ay hindi ka na niya sasaktan para pasakitan lang si Prince Dirk sa oras na may mangyari sayo na masama." Sabi ko.

The Exiled PrinceWhere stories live. Discover now