CHAPTER 25

11 4 3
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Diyos na mahabagin! Nasaan na po si Princess Dallas?!


Parang masisiraan na yata ako ng bait habang tinatanong ko yun sa isip ko at pilit kong nilalabanan ang matinding takot na nararamdaman ko habang tumatakbo ako sa gitna ng labanan at kaguluhang nangyayari sa paligid para hanapin lang ito.


Sa totoo lang ay wala naman ako dapat dito pero ng malaman ko na kasama si Princess Dallas sa mangyayaring pagsugod at labanan ay pinilit ko talagang makatakas sa mga tauhan na inutusan ni Draken na bantayan ako para sundan nga si Princess Dallas dito!


Nagsimula na kase ang labanan dito sa Lightdex kung saan kami naunang lumapag at kung saan opisyal na gaganapin ang digmaan sa Wolveroz.


Matagal at dati itong pinamumunuan ni King Niros noong mga panahong si Lady Diana pa ang nakaupo sa trono sa Solteroz. Sa Lightdex kase unang dumadaong ang mga sasakyang pandagat.


Yun ang dahilan ng satanas na si Desmond noon kung bakit ito ang binigay niyang bansa sakanyang asawang si Elyzara sa pag-asang baka masakop at mapatay ito noon ng mga bandido na hindi din naman nangyari. Nabigo lang ito sa part na iyon!


Nasaan na siya?! Nasaan na ba si Princess Dallas?!


Natutulirong anas ko sa isip habang patuloy ako sa paghananap dito.


Alam naman niya na bawal siyang gumamit ng sobrang kapangyarihan! Diyos ko! Tulungan na po ninyo ako na mahanap siya!


Kung pwede ko lang sanang sabihin kay Draken na buntis ito ay malamang na baka hindi nito isinama ang kapatid nito sa labanan! Ang kaso ay hindi pa namin pwedeng ipaalam dito ang pagbubuntis ni Princess Dallas dahil delikado! Baka kung ano pa ang gawin dito ni Draken lalo na't si Prince Dirk ang ama ng bata na nasa sinapupunan ng kapatid nito!


Sa laki pa naman ng galit ni Draken kay Prince Dirk ay baka hindi ito magdalawang isip na tapusin ang anak ni Prince Dirk na hindi pa naisisilang sa mundong ito!


Bakit ba kase kailangang maging komplikado ng lahat?! Bakit?!


"Your Highness?! Princess Dallas!" Pagtawag ko na dito para mas mabilis ko itong mahanap at makita dito.


Kaso sa dami ng mga nilalang naglalaban-laban dito ngayon ay mahihirapan yata akong mahanap ito!


Halos mapasigaw pa nga ako sa takot ng kamuntikan na akong matamaan ng espada ng isa sa mga nilalang na naglalabanan dito.


Mabuti na lang at mabilis akong nakaiwas kundi ay baka wala na ako sa mundong ito ngayon!


Hindi pa naman pwedeng mangyari yun lalo na't hindi pa tapos ang misyon ko!


"PRINCESS DALLAAAAAAAAS!" Malakas na sigaw ko para naman marinig na ako nito.

The Exiled PrinceWhere stories live. Discover now