CHAPTER 43

6 2 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Mga ilang sandali na lang ay makakarating na rin sa wakas ang Novalian Express na sinasakyan namin ngayon nila Maestro Rufan at Harushino sa mundo ng Zaphiria!


Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ko ay na nagawa ko ring makalabas sa mundo ng Novaliz para tumungo sa isang bagong mundo na ngayon ko lang makikita at mapupuntahan!


Bagama't natatakot at kinakabahan ako sa haharapin ko sa mundong bago saakin ay hindi ko maitatanging nasasabik na talaga akong makarating na doon!


Siguro nga ay isang malaking sugal ang gagawin kong pagpunta sa Zaphiria katulad ng sinabi saakin nila Leonard at Vian.


Pero buo na talaga ang naging desisyon ko na ituloy parin ang pagtungo ko sa mundong yun kahit nanga ba kahangalan kung tutuusin ang gagawin ko lalo na't wala naman talagang kasiguraduhan kung totoo ba talaga ang mga nabasa ko sulat na natanggap ko.


Hanggang ngayon ay palaisipan parin saakin kung sino nga ba ang nagpadala saakin ng sulat na nagsasabi na sa mundo nga ng Zaphiria ko makikita si Draken!


Kalakip din ng sulat na iyon ang address nito sa nasabing mundo.


Kaya naman magmula ng matanggap ko ang misteryosong sulat na iyon ay hindi na talaga ako natahimik.


Lalo na't gustong gusto ko na talagang makita si Draken.


At ng hindi ko na matiis pa ay nagpaalam nanga ako kela Leonard na aalis ako sa mundo namin para pumunta sa mundo ng Zaphiria.


Siyempre nagulat at nagtaka ang mga ito kung bakit ako pupunta sa mundong iyon? Gayung wala naman akong alam sa nasabing mundo!


Kaya napilitan akong magtapat sa mga ito kung bakit gusto kong mag punta sa Zaphiria.


Sinabi ko sa mga ito na sa mundong yun tinapon si Draken at gusto ko itong makita.


Siyempre nagtaka sila kung bakit gusto ko pang makita si Draken? Kaya wala ulit akong choice kundi sabihin na sa mga ito ang mabigat na dahilan ko.


At mas lalo lang silang nagulat sa pinagtapat ko sa kanila na dahilan ko.


Halos hindi talaga sila makapaniwala ng sabihin ko na mahal ko si Draken!


Hindi ko naman sila masisisi kung magulat man sila at magtaka kung paano at kailan ko minahal si Draken? Samantalang alam naman nila na wala akong pagmamahal dito noong magkakasama pa kami tapos sa isang iglap pala ay mahal ko pala ang lalaking yun.


Kaya ang sabi ko lang sakanila baka matagal ko na talagang mahal si Draken, dangan nga lamang at pilit kong winawaksi yun sa isip at sa puso ko dahil sa galit ko dito.

The Exiled PrinceWhere stories live. Discover now