CHAPTER 23

9 5 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Sa mga oras na ito ay marahil natuklasan na rin nila Draken na nawawala ako sa palasyo ng mga Fleuzet ngayon.


At habang papalapit na ang sasakyan namin sa palasyo ay nakita ko ang maraming raven na nagliliparan ngayon sa kalangitan na tila ba sinusundan ang sasakyang gamit namin ngayon ni Leonard.


At least nagawa mo ng maayos ang misyon mo, Daila!


Anas ko sa isip ko.


Sa bukana palang ng pintuan ng palasyo ng mga Fleuzet ay nakita ko na kaagad sila Dathor kasama ang mga tauhan nito na tila ba hinihintay na talaga ng mga ito ang pagdating namin dito.


At ng makita na nito ang paparating naming sasakyan ay nakita ko na sumenyas kaagad si Dathor sa tauhan nito na para bang inuutusan nito na pumasok ito sa loob na siya namang ginawa ng tauhan nito.


Mga ilang saglit pa ay nakita kong kasunod nitong lumabas si Draken at ngayon nga'y katabi na ito nila Dathor na hinihintay na makalapit ang sasakyang lulan namin ngayon ni Leonard.


Sa hula ko ay natunugan na kaagad nila Dathor ang pagdating namin dito sa pamamagitan ng mga raven na alaga nila. Kaya siguro parang sadyang hinihintay talaga nila ang pagbabalik namin dito ayon na rin siguro sa utos ng kapatid nito!


Mali ka Daila! Ikaw lang ang hinihintay ni Draken! Hindi naman niya alam na kasama mo si Leonard!


Anas na sabi ko sa isip.


Nang matuklasan marahil nito na nawawala ako ay mabilis nitong inutusan sila Dathor para hanapin ako.


Sadyang nga lang sigurong nakabalik kami kaagad bago pa kami mahanap ng mga tauhan nito at ng kapatid nitong hindi ko talaga gusto ang hilatsa.


Alam nyo naman si Draken, mawala lang ako saglit ay parang ikakamatay na kaagad nito!


Lalo na siguro kapag nalaman nito kung saan ako nag punta.


Tuloy ay marahas akong napabuga ng hangin mula sa bibig ko.


Pagkuwan ay hinanda ko na ang sarili ko.


"From the looks of it. Mukhang nag aalala nanaman sayo si Prince Draken." Naiiling na sabi ni Leonard saakin ng tumigil na sa harap nila Draken ang sasakyan namin. "At tiyak na katakot-takot naman na sermon ang aabutin ko nito!" Dugtong nito.


Pagkuwan ay nauna na itong bumaba ng sasakyan kahit na kinakabahan at natatakot na ito sa maaaring gawin sa kanya ni Draken.


Kung ganyang palang natatakot ka sa sermon niya ay bakit sumama ka pa sa akin?!

The Exiled PrinceWhere stories live. Discover now