CHAPTER 44

6 3 2
                                    



Draken Aldrous Wulfric POV


"Why?" Hindi makapaniwalang tanong ko matapos kong mabasa ang sulat na iniwan saakin ni Dirk.


"I don't know either? Basta kasama lang yan sa mga instruction saamin ni Dirk bago siya pumunta sa Novaliz. Sabi niya once na nandito kana sa Zaphiria ay puntahan daw kita dito at iabot ko sayo ang sulat na yan." Sagot saakin ni Shin. "Maski nanga kami hindi rin makapaniwala sa mga instruction na sinabi niya. To be honest, ayokong sundin ang utos niya. Pero magagalit si Dirk kapag hindi ko ito ginawa." Dugtong nito.


Umiling-iling ako.


Pagkuwan ay nagtubig na ang mga mata ko sa harap nito.


"I don't derserve this!" Basag ang boses na sabi ko. " After what I had done to him. Hindi ko deserve na----"


"Kung gusto mo talagang makabawi sa kanya, tanggapin mo itong binibigay niyang tulong sayo. Don't refuse it, Draken." Putol ni Shin sa mga sinasabi ko.


Bakit mo ito ginagawa, Dirk?!


Anas na tanong ko sa isip.


Nang dalhin ako sa mundong ito ay handa ako sa hirap na dadanasin ko dito dahil deserve ko lang naman ang mga iyon pagkatapos ng mga kasamaan na pinag-gagawa ko sa kanilang lahat.


Sabihin ng inutos lang saakin yun ni Desmond pero malaki parin ang naging parte ko sa kasamaan nito dahil nagpagamit ako sa kanya.


Pagkatapos handa parin akong tulungan ni Dirk sa kabila ng mga kasamaan na pinag-gagawa ko sa kanya?!


Bakit?


Nang dahil saakin nawala ang kanyang ina na si Diana! Pagkatapos ay lumayo sa kanya ang babaeng pinakamamahal niya dahil hawak ko ang buhay nito! At sa huli nawala na ng tuluyan ang kapatid kong si Dallas dahil sinakripisyo nito ang buhay niya para lang mailigtas kaming lahat mula sa kasamaan ni Desmond!


Tapos ganito parin ang magiging ganti saakin ni Dirk?


Himbes na parusahan ako nito at hayaang magdusa sa mundong ito na siyang dapat na mangyari sa isang masama at kasuklam-suklam na nilalang na katulad ko ay gagantihan parin ako nito ng kabutihan?!


"Here." Ani Shin pagkuwan ay mayroon pa itong inabot saakin na isa pang susi. "Susi naman yan para sa bahay na titirhan mo dito." Paliwanag nito. "Don't worry, Draken. Gagabayan naman kita sa negosyong binigay sayo ni Dirk, at kapag gamay mo na at kaya mo ng patakbuhin yun ng mag isa ay saka palang ako aalis dito." Dugtong nito.


"Alam mo ba ito ng.... A-Ama ko?" Garagal parin ang boses na tanong ko dito.

The Exiled PrinceWhere stories live. Discover now