CHAPTER 6

11 7 0
                                    



Draken Aldrous Wulfric POV


"Maraming salamat talaga, kapatid ko! Salamat at napatawad mo na ako sa nagawa ko!" Masaya at nakahinga na ng maluwag na sabi ni Dathor saakin.


Pagkuwan ay lumuhod pa ito sa harap ko.


"Walang ano man, kapatid ko." Ngumiti ako sabay dako ng tingin ko sa may gawi ni Daila na tahimik lamang na nakaupo sa pwesto nito ngayon. "Katulad nga ng sinabi saakin ng pinakamamahal kong si Daila ay tinulungan mo lang daw talaga siya. Kaya bakit pa ako magagalit sayo kung wala naman akong dapat ikagalit, di ba?" Dugtong ko.


Nakita ko na para bang natigilan si Dathor.


"O bakit parang natigilan ka, kapatid ko? Mayroon nga ba akong dapat na ikagalit pa sayo?" Malumanay na tanong ko pero matalim naman ang tingin ko dito.


Sa totoo lang hindi parin ako kumbinsido hanggang ngayon na wala talaga itong ginawang masama kay Daila.


Ang problema ay hindi ko iyon mapatunayan kahit nanga ba mayroon akong nakitang pruweba na hinawakan naman talaga ito ni Dathor habang wala ako dito.


Ngunit dahil sa sinabi ni Daila saakin na wala namang ginagawang masama sa kanya si Dathor ay hindi ko tuloy alam kung ano ba talaga ang dapat kong paniwalaan?


Ang nakita ko ba, o ang sinabi ni Daila saakin? Maliban na lang kung sinusubukan lang talaga ako ulit ni Daila? Knowing her.... Paulit-ulit na lang niya akong inaasar para mainis ako sa kanya!


Pero anu't ano man ang totoo ay hindi ko parin maaaring tapusin ang buhay ni Dathor dahil kakailanganin ko pa rin ang isang katulad nito! Mas maraming kakampi at kapanalig, mas malaki ang tiyansa na mag tagumpay ako sa laban na ito.


Isa pa kapatid ko parin naman ito kaya hindi ko rin makakayang tapusin na lang ng ganoon ang buhay nito.


Unless na lang talaga kung may ginawa nga talaga itong hindi ko magugustuhan!


Lalo na kung si Daila ang pag uusapan!


Talagang papatay ako kapag mayroong kukuha kay Daila mula saakin!


Kaya siguro naman matatakot na si Dathor na gumawa ulit ng bagay na hindi ko magugustuhan dahil hindi talaga ako mangingiming ulitin dito ang ginawa ko sa kanya nung isang araw!


"Your Highness, tama na po yan. Napatunayan na po sainyo ni Prince Dathor na wala siyang kasalanan. Na tinulungan lang po talaga niya si Lady Daila ng araw na iyon. Kaya sana naman po ay mabalik na po sa dati ang samahan ninyo." Pagsingit bigla ni Maestro Rufan.


"Siya nga po, Your Highness. Ako na po mismo ang magpapatunay sainyo na walang ginawang masama si Prince Dathor kay Lady Daila. Nandoon din po ako ng araw na iyon. Kaya nakita ko po ang mga nangyari." Nakayukong pagsingit na sabi din ni Leonard.

The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon