CHAPTER 41

8 2 0
                                    



Draken Aldrous Wulfric POV


Daila!


Anas ko sa pangalan nito habang nakatayo ako ngayon sa labas ng kuwarto nito.


Sa totoo lang gusto ko sanang pumasok sa loob ng kuwarto nito para makita at mayakap ko man lang sana ito bago ako umalis.


Pero kailangan kong pigilan ang sarili ko!


Patawarin mo sana ako Daila sa gagawin ko! Kung alam mo lang sana na ayoko ng gawin pa ito! Kaso wala akong magawa!


Frustrated na anas ko sa isip.


Pagkuwan ay nanghihinang dinikit ko sa saradong pinto ng kuwarto nito ang noo ko pagkuwan ay naramdaman ko na lang bigla na mayroong tumulong luha mula sa mga mata ko.


Daila!


Kung pwede ko lang sanang ibalik ang oras ay hindi ko na sana nakuha pa ang makademonyong libro na iyon! Disin sana hindi nangyayari ang lahat ng ito ngayon!


Pero huli na!


Kasalanan ko ang lahat ng ito!


Mariin kong naikuyom ang mga kamao ko lalo na ng maalala ko ang mga sinabi saakin ni Desmond.


"Sa oras na sumuko ka sa laban na ito ay sinisigurado ko sayo na buhay ni Daila ang kukunin ko sayo! Hindi mo naman siguro gustong mangyari yun, hindi ba?!" Demonyong sabi nito saakin habang mahigpit na nakasakal sa leeg ko ang kadena na nagmumula sa libro na kinalalagyan ng kaluluwa nito!


Kung hindi lang sana buhay ni Daila ang magiging kapalit ay susuko na dapat talaga ako ng araw na iyon, ngunit sadyang masamang nilalang ang Lolo ko!


Alam niya na hindi ko makakayang mawala saakin si Daila! Kaya ang babaeng pinakamamahal ko ang ginamit niya saakin para patuloy ko parin siyang sundin sa mga gusto niyang mangyari!


Patawad!


Nanlulumong lumayo na ako sa may pinto ng kuwarto nito pagkuwan ay mabibigat ang mga hakbang ko na umalis na dito.


"Rufan." Tawag ko kay Maestro Rufan ng makita ko ito.


Kaagad naman itong lumapit saakin.


"May kailangan po ba kayo, Kamahalan?" Anito.


Malungkot na ngumiti ako dito pagkuwan ay inabot ko sa kanya ang isang maliit na kahon na kulay purple katulad ng kulay ng mga mata ko.


"Ano po ito, Kamahalan?" Nagtatakang tanong ni Rufan saakin ng abutin nito ang maliit na kahon na binigay ko.

The Exiled PrinceWhere stories live. Discover now