CHAPTER 37

10 4 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko ng makita ko na isang piraso ng maliit na tinapay at isang baso ng tubig ulit ang pagkaing dinala saakin dito sa loob ng masikip na silid kung saan ako dinala at kinukulong pa hanggang ngayon.


Simula yata ng bihagin ako nila Prince Dirk ay wala na akong iba pang kinain sa inaraw-araw ng buhay ko kundi ang maliit na piraso ng tinapay na yan at isang baso ng tubig na kailangan ko pang pagkasyahin sa buong araw dahil yan na rin ang kakainin ko hanggang sa hapunan!


Kaya naman dahil hindi sapat ang pagkaing kinakain ko ay talaga namang labis akong nanghihina. Malaki na rin ang ibinagsak ng katawan ko dahil ganito lang ang pagkaing pinapakain saakin.


Ang saklap di ba?


Bukod pa doon nakakalabas lang ako sa masikip na silid na ito kapag kailangan kong gumamit ng palikuran, pagkatapos ay muli lang akong ibabalik sa masikip na silid na ito kapag tapos na akong gumamit ng banyo tapos kapag kailangan naman akong ipatawag nila King Diland para tanungin ng kung anu-ano ang mga planong binabalak ni Draken?!


Ganoon ang naging buhay ko dito.


Mas nakakabaliw pa yata ito kesa noong kasama ko si Draken! At least hindi naman ako nito ginugutom ng ganito, ako lang naman ang nag iinarte dito kaya kung minsan ay hindi ako kumakain noon para banasin ito.


Kamusta na kaya ang lalaking iyon ngayong hawak ako ng mga kalaban nito?


Sa palagay ko ay nababaliw na ngayon ang lalaking yun sa kakaisip kung papaano niya ako makukuha dito!


Anas na sabi ko sa isip.


Pagkuwan ay naalala ko ang ginawa nitong pagsuko ng araw na iyon.


Nang dahil saakin ay natalo ito nila Prince Dirk.


Kung nagkataon na hindi ako hawak ni Prince Dirk ay nunca itong sumuko sakanila at hayaang manalo ang mga ito sa laban na iyon.


Somehow I feel bad, dahil nagpapakatanga ito sa isang katulad ko. Kaya kahit gustuhin ko man na makaramdam ng saya dahil alam ko na hindi ito makakakilos para labanan sila Prince Dirk ngayon ay hindi ko magawa-gawa dahil.....


Bakit hindi mo pa aminin, Daila?! Naawa ka na rin sa lalaking yun, hindi ba? At hindi lang yun, nag aalala ka rin sa kanya ngayon katulad ng pag aalala mo kela Dallas at Driscol!


Sa totoo lang ay ilang beses na rin akong pinilit nila King Diland at ng iba pa dito na mag salita na ako tungkol sa mga binabalak na gawin ni Draken at kung may ideya rin ba ako kung bakit nahimok ni Draken si Dallas na umanib sa kanya.


Natural hindi ako nag salita sa mga ito hindi dahil natatakot ako sa maaaring gawin ni Draken, kundi dahil sa kayang gawin ng librong hawak nito!

The Exiled PrinceWhere stories live. Discover now