CHAPTER 38

8 5 0
                                    



Draken Aldrous Wulfric POV


"Kamusta na, Draken?"


Natigilan ako ng makita ko si Harushino Lacrimas sa harap ko!


Matagal na panahon na rin ang lumipas ng huling beses na magkita kami nito.


Umalis ito sa panig ko noon dahil ayaw nitong sumama sa pag aklas na gagawin ko kaya naman magmula noon ay hindi na ulit ito nagpakita pa saakin si Harushino!


"Ano ang masamang hangin ang nagdala sayo dito para puntahan ako? Hindi ka ba natatakot na baka gawin kitang bihag para takutin ko ang ama mo?!" Tanong ko dito.


Nakita ko na ngumiti lang ito himbes na matakot ito sa banta ko.


"Hindi mo magagawa yan! Kaibigan mo ako di ba? Unless kung hindi mo na ako tinuturing na kaibigan pagkatapos kong tumangi na sumama sa rebelyon mo." Sabi nito.


"Sa totoo lang ay nadismaya mo talaga ako noon ng hindi ka pumayag na sumama sa rebelyon ko." Natawa ako ng bahagya dahil sa salitang rebelyon."Higit kanino pa man ay ikaw ang inaasahan ko na susuporta saakin dahil kaibigan kita at para na ring kapatid ko. Pero iniwan mo ako." Mapait at malungkot na dugtong ko.


Nakita ko na lumungkot din ito.


"From the looks of it, mukhang hindi maayos ang kalagayan mo." Sabi nito habang tinitignan ako ng mataman ngayon.


"What are you doing here, Harushino? Nandito ka ba dahil ikaw naman ngayon ang inutusan nila Mama at Dreyd?" Walang kabuhay-buhay na tanong ko dito.


Narinig ko na bumuntong hininga ito ng malalim.


"Enough, Draken." Pagkuwan ay sabi nito. "Tignan mo ang sarili mo ngayon! Pagod kana, kaya bakit hindi mo pa tigilan ang lahat ng ito? Halata namang hindi ka rin masaya kahit na sayo na ang Wolveroz at ang trono ng ama mo." Dugtong nito.


"Kung yan lang ang sasabihin mo saakin ay mabuti pang umalis kana sa harap ko, Harushino. Sinasayang mo lang ang panahon ko!" Mariing sabi ko dito.


Nakita ko na umiling-iling ito.


"Kung ganoon, handa ka na palang mawala sayo si Daila!" Pagkuwan ay sabi nito.


Natigilan ako at para bang pinanlamigan din ako ng katawan ngayon.


"A-Anong ibig mong sabihin, Harushino?!" Halos paanas na lang na tanong ko dito.


"Kung ganoon hindi mo pa pala alam ang gagawin sa kanya ni Dirk?" Balik nito.


Nahihintakutan na umiling ako dito.


The Exiled PrinceWhere stories live. Discover now