Think before you click... In every action, there is a reaction... Iyan ang dalawang sikat na slogan na palaging nawawala sa utak ng isang taong katulad ni Andine Andrea Ferrell. Mahilig siyang gumawa ng mga bagay na maaari niyang ikapahamak o maaaring makapagpabago sa buhay niya. Aniya, "Wala namang thrill ang buhay ko." Pero heto at gumawa siya ng isang bagay na talagang pagsisisihan niya, ang pag prank sa school hearthob na si Everest Dwaine Dallas. Pinagsisihan niya ang mga sinabi niya at ang ginawa niya nang magsimula ito na magsuspetsya sa kaniya. Mapayapa sana ang buhay niya at hindi sana siya matatakot na buksan ang phone niya kapag nasa paaralan siya. Hindi sana siya mapaparanoid na buksan ang bawat message na natatanggap kung inisip niyang mabuti ang mga kilos na ginagawa niya. Kung sana lang talaga...