CHAPTER 40

44 4 0
                                    

Gaano katagal na ba ang lumipas? Yeah right. Its been eight months since huli kaming nagkita ni Everest.  After ng graduation, hindi na ulit nagtagpo ang landas naming dalawa. Siguro, isa kami sa mga pinagtagpo pero hindi itinadhana. Besides, may girlfriend s'ya. Baka nag-enjoy na siya sa piling ni Nizelle.

Maliban sa course na kinuha niya para sa college, which is engineering,  wala na akong ibang alam. Iniiwasan ko rin na magkaroon ng info tungkol sa kaniya. Why? Wala lang. Ayaw ko lang madistract sa kung anong ginagawa ko ngayon sa buhay ko.

Kung tatanungin niyo ako, hindi ko naibigay kay Everest ang letter na ginawa ko, pero nakagawa naman ako ng paraan para mapunta sa kaniya 'yon. Hindi pa nga lang ako ready mag-kwento ngayon dahil kahit walong buwan na ang nakakalipas, nahihiya pa rin ako sa ginawa ko.

Right now, isa akong hospitality management student at nakaraos na ako ng isang semester para sa first year ko sa college. Mahirap pero wala namang madaling course, 'di ba?

"Andine, akala ko ba napag-usapan na natin 'to?" Iritadong tanong ni mama.

"Ma, dadating din naman ako sa point na bubukod talaga ako. All I ask right now is pagbigyan n'yo lang akong mag-dorm."

"Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo? Hindi porque eighteen ka na, papayagan ka na namin." Mariin niyang pinikit ang mata niya, "Pumayag na nga kami na mag-part time job ka, ta's ngayon gusto mo naman na mag-dorm?"

"Well, mas malapit naman sa school 'yung dorm. Maiiwasan ko na ang pagka-late-"

Pinutol ni mama ang sinasabi ko, "At mas makakapaggala ka."

"Ma naman! Makinig ka naman. Kelan ba ako gumala ng wala ang permiso n'yo? Kelan?" Umiwas ako ng tingin kay mama, "Gusto ko lang naman ma-experience ang pagdo-dorm. Gusto ko lang naman malaman kung maggo-grow ako kapag nandoon na ako."

"Pero sana maitindihan mo rin ako, anak. Gusto ko lang masiguro na ligtas ka. Kapag nag-dorm ka, hindi namin malalaman kung ano ang magiging kalagayan mo." Bumuntong hininga si mama at tinignan ang oras sa wrist watch niya, "May pasok ka pa ngayon, 'di ba? Sige na. Baka malate ka pa." 

Tumango na lang ako at nagpaalam na para pumasok sa trabaho. Kapag nagtagal pa ang diskusyon namin ni mama, baka ang ending ay magresign lang ako sa trabaho ko. Ayaw ko namang mangyari 'yon.

Tungkol sa service at hospitality ang career na tinahak ko kaya naisip ko na magpart time job muna sa ilang restaurant. Naniniwala kasi ako na mas madaming work experience, mas madali akong makakahanap ng trabaho in the future. 'Lam n'yo 'yon? 'Yung permanent na. 

Hindi naman sa naghihirap ang pamilya namin o bigla kaming naging broke, gusto ko lang talaga mag-trabaho. Actually, hindi naging madali ang lahat sa umpisa, dahil unang-una sa lahat: tutol ang parents ko sa gusto kong gawin.

Naniniwala kasi sila, lalo na si mama, na once na kumita ako ng pera kahit hindi ko pa ako tapos mag-aral, tatamarin daw ako. Mas pipiliin ko raw na magtrabaho na lang kaysa magpatuloy sa pag-aaral. Well, hindi naman gano'n kataas ang sweldo ko kaya mas pipiliin ko pa rin ang pag-aaral. Saka, mas malaki ang opportunities na puwede kong matanggap kapag nakatapos ako.

Pangalawa: hindi madali ang pagbabalance ng studies sa work. 

Ang daming gawain sa college! Kada semester ata may research kaming ginagawa, ta's may thesis pa! Dagdag mo pa na minsan may prof na sobrang lupit.

Alagad ata ni Satanas 'yun o ano. 

Hindi ako magkanda-ugaga minsan sa mga lessons ko at schedule ko sa trabaho. Syempre, may mga oras talaga na sobrang dami ng costumer at kailangan kong mag-OT, na nakakabawas sa oras ko sa pag-aaral.

It Started With A Prankजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें