CHAPTER 41

88 4 0
                                    

Hi! So dahil naging busy ako sa OL Classes ko, ngayon lang ulit ako makakapag-UD. Joke! Busy ako manood ng anime kahit ang daming gawain.

Napanood n'yo na ba 'yung Black Clover? Maganda 'yon pramis! Favorite character ko si Charmy saka si Noelle.

Hihi... happy reading!!

~*~*~

To summarize what happened last time, pumayag na sila mama. Hindi lang ako sigurado kung paano nangyari at kung ano ang dahilan kung bakit sila pumayag, pero ang mahalaga ay pumayag sila. Syempre, kapalit ng kalayaang meron ako ay ilang kondisyon na kailangan kong sang-ayunan.

"Kailangan maging malinis ang grades mo. Hindi kami puwedeng makakita ng 2.75 at 3 sa grades mo. Naiintindihan?" Pagpapaalala ni mama.

Tumango ako bilang sagot. Actually, tango at iling lang talaga ang magagawa ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na pinayagan na akong magdorm, pero mas hindi ako makapaniwala na kailangan kong iwasan ang 2.75 at 3!

Parang nanaginip lang ako. Masamang panaginip.

"Kapag may problema ka, tatawag ka. Kapag kailangan mo ng extrang pera, magsabi ka lang."

"Ma, ano pa ang purpose nito kung gano'n lang din ang gagawin ko? Parang umalis lang ako ng bahay pero walang growth and development na naganap sa 'kin."

"Anak, bilang nanay, nag-aalala lang naman ako. Alam mo naman na hanggat wala ka sa bahay, hindi mapapanatag ang loob ko."

Nangonsensya pa nga.

"Basta! Kapag may problema, magsasabi ako." Sabi ko na lang.

Mixed emotions ako ngayon, kinakabahan ako na nae-excite. Kagabi ko pa iniisip kung anong klaseng tao ang magiging roommate ko. Hinihiling ko na sana ay maging mabuti itong tao para naman madali kaming magkakasundo. Hindi sana siya makalat na tao.

Umaasa talaga ako.

Dala ang maleta ko ay sumakay ako sa kotse namin. As usual, ihahatid ako ni Asher.

"So malaya ka na?" Nang-aasar na tanong niya.

Tumango ako, "Ganito pala ang pakiramdam."

"Pa'no kapag nahomesick ka?"

"Hindi mangyayari sa 'kin 'yon."

"Ah, oo nga!" Sabi niya at tumango. "Kasi si Everest lang ang mami-miss mo."

"Oy hindi ah!" Agad na sabi ko.

"Luh? Defensive?"

Inirapan ko na lang siya at sinandal ang ulo sa bintana. Sa 8 months na nakalipas, palagi pa rin akong inaasar ni Asher kay Everest.

"Parang umulit lang ang nakaraan." Naiiling na sabi ni Asher.

Naguguluhang tumingin ako sa kaniya, "Anong ibig mong sabihin?"

Umiling siya, "Wala. 'Wag mo nang pansinin yung sinabi ko."

Nagkibit-balikat ako at inisip mabuti kung paano ko mamementain ang grades ko kung magpoprocrastinate pa rin ako. Kaya ayaw kong pinagbubutihan masyado ang pag-aaral ko, eh! Tumataas kasi ang expectations ng lahat sa akin kahit hindi naman talaga ako gifted pagdating sa academics.

Nakakamiss maging isang tamad na student.

Kung hindi ko lang narealize na mahirap makahanap ng matino at pang-matagalan na trabaho sa panahon ngayon, baka walang pagbabago na mangyayari sa akin. Magpo-procrastinate pa rin ako at magiging kuntento sa pasado lang.

It Started With A PrankOù les histoires vivent. Découvrez maintenant