CHAPTER 20

48 6 0
                                    

"Sobrang persistent ni Nizelle. Minsan, naiirita na lang ako sa kan'ya. Nireject ko naman s'ya ng maayos para hindi na s'ya umasa. Hindi ko lang talaga alam kung bakit naging ganito ang kinalabasan."

Ako ang nalulungkot para sa kaniya. Siguro nga masarap sa pakiramdam na madami ang nagkakagusto sa 'yo, pero kung katulad ni Nizelle ang magkagusto sa 'yo? I swear! Iinit lang ang ulo mo.

"Buong school nga ata ang nakaka-alam na nireject mo s'ya." Mahinag bulong ko.

Nilingon niya ako, "Naranasan mo na ba umamin sa crush mo?"

"Oo naman."

Kumunot ang noo niya, "Kailan? Saka kanino?"

Ako naman ang kumunot ang noo ngayon. 'Yung tanong na 'kailan', masasagot ko pa. Pero 'yung 'kanino?' Nope! Hindi ko sasagutin 'yon.

"Around elem?" Patanong na sagot ko, "Pero umamin lang ako no'n dahil tinanong n'ya ko." Tumango siya at nanahimik na lang. "Ikaw ba?"

"Anong ako?"

"Nakaamin ka na sa crush mo?" 

Hindi siya kumibo, sahalip ay tumayo at may kung anong kinuha sa bag. Nagwala ang puso ko nang kunin niya ang kamay ko. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin, pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

Medyo nako-conscious ako dahil baka naglalawa ang kamay ko. Hindi ako makahinga ng maayos, at hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan. 

Ano 'to? Bakit nagkakaganito ako?

Tumaas ang kaliwang kilay ko nang makita ko kung ano ang nilagay niya, "B-bakit mo 'ko binibigyan nito? Mahal 'to 'di ba?"

"Nine thousand lang naman. Don't worry, compatible sa android 'yan." Sabi niya.

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, "Tigna-nine thousand 'to tapos ibibigay mo lang sa akin? Hibang ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Napabuntong hininga siya, "Fine, I'll explain."

Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi dahil sa excited ako sa paliwanag niya pero dahil english ang isinagot niya.

"Natatandaan mo pa ba nung unang beses na nagsauli ako ng gamit mo? Nung inalok mo ako ng shanghai?" Napangiwi ako sa tanong niya.

Potek, ang cringe ng tanong ko no'n! 

"Gusto mo ba ng shanghai?"

Nagpatuloy siya, "Napansin ko kasi na luma na 'yung earphones mo. Kaya tinapon ko." Napanganga ako sa dahilan niya.

Please, God. Pigilan n'yo po ako sa balak kong pagsapak sa lalaking 'to.

"Dahil lang mukhang luma, tinapon mo?" Napahilamos na lang ako sa mukha ko. 

"Kaya nga pinalitan ko, okay?" Medyo na-frustrate ata siya sa pakikipag-usap sa akin at ginulo niya ang buhok niya.

"Alam mo ba na hindi ako nakakapag-review ng maayos ng walang music?" Inirapan ko siya. "Ewan ko sa 'yo, Everest. Ewan ko talaga sa 'yo." Akmang isasauli ko sa kaniya ang airpods nang umiling siya. 

"Isipin mo na lang regalo ko sa 'yo iyan."

"Pero ang mahal nito..." Wala pang wire ta's nalo-lowbatt pa!

"Ayaw mo ba?" Nakonsensya akong bigla nang mabakas ko ang kalungkutan sa boses niya.

"G-gusto." Mahinang sabi ko.

S'yempre gusto ko! Galing sa 'yo 'to, eh!

Ngumiti siya, "Ade, iyo na."

Nilagay ko sa bag ang airpods na bigay niya. Nang mai-zipper ko ang bag ko ay humarap ako sa kaniya.

It Started With A PrankTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon