CHAPTER 47

68 3 0
                                    

"Mababaliw na 'ko." Sabi ko at padaskol na humiga sa kama.

Binalibag naman ako ng face towel ni Thealline, "Magdahan-dahan ka nga! Mahal na nga bayarin mo sa ospital, magdadagdag ka pa ng panibagong babayaran?"

Inirapan ko lang siya at tumingin sa kisame, "Lakas mo magsabi ng ganiyan pero ayaw mo naman sabihin sa'kin kung magkano."

"Okay na 'yon. Baka bigla kang tumalon sa bintana kapag sinabi ko sa'yo."

Ilang araw na rin akong nakaratay sa ospital, at ilang araw na rin akong binubulabog nila Thealline. Kanina pa umalis sila Hailey dahil may mga kailangan pa raw silang gawin, si Thealline naman, hihintayin na raw niya na dumating si Everest.

"Ano na ba status n'yo ni Everest?" Tanong niya at umupo sa tabi ko.

Nagkibit-balikat ako, "Ewan. Friends pa rin?"

"Friends pero lagi nagbabantay sa'yo?"

"Ewan ko sa kan'ya. Ewan ko kung paasa lang s'ya o gano'n na talaga s'ya." Umayos ako ng upo at hinarap siya, "Minsan nakakalimutan ko na may girlfriend s'ya dahil sa mga action n'ya."

"Bakit? Ano ba mga ginagawa n'ya?"

"Medyo... alam mo na? Confusing."

"Paanong confusing? Mixed gestures?"

"Hindi ko alam. Ayaw kong mag-assume dahil magkaibigan kami." Napabuntong hininga na lang ako.

"Saka may experience ka na sa mga paasa na 'yan." Sabi niya na may halong pang-aasar.

Sinamaan ko siya ng tingin pero natawa lang siya, "Lakas magsabi, 'kala mo naman siya wala."

Napatigil siya sa pag-tawa at ako naman ang sinamaan ng tingin, "Alam mo, ikaw, epal ka."

Kahit magbestfriend kami, may times pa rin na hindi kami nagkakapagshare ng tsaa sa isa't isa. May may tendencies kasi na nakakahiya mag-open up or ayaw mo lang talaga na magkwento. Nakakasama lang kasi ng loob ang mga tsaa na iyon. Hindi maganda sa kalusugan.

"Pero ikaw?" Napatingin naman ako sa kaniya, "Anong gagawin mo incase na mutual ang feelings n'yo?"

Natahimik ako. Hindi ko rin alam. Mixed emotion siguro?

"Ewan." Iyon na lang ang tanging nasabi ko.

"Kasi, 'di ba mag-on pa rin sila ni Nizelle?"

"Kung sakali man na ganon, ayaw ko." Walang buhay akong tumawa, "Hindi na bale na umiwas ako or lumayo, 'wag lang makasira ng relasyon."

"Paano kung break na sila?"

"Hindi rin muna." Napangiti siya sa sinagot ko. "Besides, hindi pa naman 'yon ang priority ko. Ta's gusto ko, kung kakagaling lang ng guy na 'yon sa isang relasyon, lumipas man lang ng ilang buwan or isang taon bago maging kami. 'Lam mo 'yon? Para wala na yung essence ng ex."

Tumango-tango siya, "May point ka. Saka ang sagwa rin tignan kung naging kayo agad kahit kakabreak lang nila. Magmumukha pa na may something sa inyo kahit nung in-a-relationship 'yung isa."

It Started With A PrankWhere stories live. Discover now