CHAPTER 51

53 4 0
                                    

"Oh... I almost forgot."

Napatingin ako kay Desiree nang huminto siya sa paglalakad. Palabas na kami ng mall, baka may nakalimutang daanan or bilhin si Des.

"Bakit?" Tanong ko at  lumapit sa kaniya.

She gives me an awkward smile, "Ev has a cold because of what happened last night." At ako naman po ang natahimik. "And I need to babysit him because wala s'yang kwenta kapag may sakit s'ya."

Natawa naman ako sa term na "walang kwenta." Huwag niyo po akong husgahan. Alam ko lang ang feeling na walang silbi dahil sa masamang pakiramdam.

"Do you want to come with me?" Tanong niya sa akin. "Don't worry I'm not going anywhere. Mag-o-overnight din ako doon, and you can go home anytime you want."

Napatingin ako sa oras, at maaga pa naman. Wala naman sigurong masama na dumalaw sa kaniya. Besides, ako ang dahilan kung bakit s'ya sinisipon ngayon.

Pumayag ako at sumama kay Des. Dumaan muna kami ng pharmacy at grocery para bumili ng gamot at pagkain. Lagi naman daw kasing walang laman ang ref ni Everest dahil hindi naman marunong 'yon magluto. 

"Para sa isang taong magastos, nakakabigla na walang laman ang ref n'ya." Natatawang komento ko.

"I have the same thoughts as you." Sabi ni Des at nakipag-apir sa akin. "Well, hindi na nakakabigla 'yon dahil dinner lang naman ang kinakain n'ya sa condo. He rarely spends his time alone." Binukas niya ang compartment ng kotse para ilagay ang ilang pinamili namin.

"Health freak ba talaga s'ya or hindi naman?"

Napa-isip siyang bigla, "Hmmm... he's not really a fan of sweet foods dahil mabilis makataba, pero mahilig sya sa lollipop. Tabain kasi s'ya kaya iniiwasan n'ya ang fatty foods." 

"Ah oo. Alam ko nagbasketball s'ya para magkaro'n s'ya ng exercise." 

Napatingin siya sa akin, "How did you know that?" 

"Narinig ko lang." Simpleng sagot ko.

Agad naman siyang napaisip dahil sa sinabi ko. Nang mailagay ang ilang pinamili namin ay sinarado niya ang compartment ng sasakyan at dumiretsyo sa driver's seat. Ako naman ay sumakay na sa shot gun seat.

Pinaandar niya ang makina at tinahak namin ang daan papunta sa condo ni Everest.

"You know, Ev is not really the type of guy who cares about everything. Napaka-carefree n'ya dati. Maybe puberty just hit him hard enough to realize that appearance matter for most people out there." Napabuntong-hininga siya, "He strives hard to be labeled as Mr. Perfect."

"Guy with good looks, good grades, and..."

"Good reputation." Pagtatapos niya sa sasabihin ko. "He became self-centered and cage himself from who he was before." She glanced at me and smile, "Wala akong alam sa kung anong feelings mo para sa kan'ya, but I am fully aware of what he feels about you. And I'm starting to understand kung ano ang nagustuhan n'ya sa'yo."

Nagulat naman ako at walang masabi. Ni ngumiti ay hindi ko magawa dahil baka isipin niya ay lumalaki ang ulo ko o proud ako sa sarili ko. Ang awkward.

"Hinahayaan mo lang s'ya na i-express ang sarili n'ya, hindi mo s'ya dinidiktahan ng kung anong dapat n'yang gawin. Kinokontra mo rin s'ya kapag lumalagpas na s'ya sa boundaries n'ya."

Napa-iwas na ako ng tingin dahil nagsisimula ng uminit ang mukha ko. Wala bang hangin dito? Bakit ang init naman yata?

Pasimple akong napa-paypay sa mukha ko dahil sa hiya. Pero masaya akong marinig na gano'n pala ang nagagawa ko para kay Everest.

It Started With A PrankWhere stories live. Discover now